• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda speaks out about his love life: ‘I am single!’

Vice Ganda speaks out about his love life: ‘I am single!’

The comedian admits that he saw the break-up coming and wants to start life anew.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/10/2014 6:30 PM
Vice Ganda speaks out about his love life: ‘I am single!’


051014-vice_main.jpgKagabi ay dalawang maintrigang twitter posts ang isinulat ni Vice Ganda sa kanyang Twitter account. Isa dito ang post na nagsasabing “It is over.” Matapos naman ang ilang minuto, sinundan ito ni Vice ng date na ‘April 23, 1616’ na ayon sa isinulat ni Darla Sauler sa kanyang blog post ay kamatayan ni William Shakespeare. Si William Shakespeare ay isang artist at manunulat na kilala sa kanyang mga love poems at love stories. 

Nasundan pa ang mga Twitter posts na ito ng “Ayoko na ng alon. Gusto ko ng umahon.”, “I TRied but im TiRed. Time to rest” at “Fresh start. Start Fresh,” na tila nagpapahiwatig sa kalagayan ng buhay pag-ibig ni Vice Ganda.

Kaya naman nang kapanayamin ng PUSH si Vice tungkol dito matapos ang live airing ng “It’s Showtime,” kinumpirma ni Vice na wala na nga sila ng nakarelasyon. “I am single. I am happy and single, happy and single parang ang bitter lang. Single ako pero okay lang.” 

Sa ngayon, tulad din ng iba na may pinagdadaanan, nagpapaka-busy si Vice at aminado ang komedyante na hindi pa niya masyadong napagtutuunan ng pansin ang damdamin dahil sa dami din ng kanyang ginagawa. “Busy naman ako, hindi ko siya masyadong napapansin.”

Dagdag pa ni Vice, “Okay lang, hindi pa siguro sa akin nagsisink in. Parang shocked pa, hindi pa nga ako masyadong umiiyak.” 

Aminado si Vice na hindi naging biglaan ang pangyayaring paghihiwalay nila ng karelasyon. “Oo, yun na yun. Napag-usapan naman eh, we took some time para pag-isipan na hindi muna magkita. Ok lang, okay lang.” 

Inamin din ni Vice na ang dahilan ng pagiging emosyonal niya nung birthday niya ay dahil na rin sa nagbabadayang hiwalayan nila ng karelasyon na hindi pa rin tinutukoy ni Vice kung sino.

Nilinaw din ng PUSH kung ang pinost din ba niya na date sa Twitter ay simbolo ng pagkamatay ng pag-ibig. “Ano ba ang sinabi ko dun? Basta yun lang, I will be okay. I am single and I am okay. Gusto ko din malaman nila na I am single para yung mga gustong manligaw sa akin manligaw na. Inviting?” sagot ni Vice sabay tawa. 

Ibinahagi din ni Vice na hindi na siya dumadaan pa sa sinasabi nilang ‘grieving stage’ dahil sinabi niyang napaghandaan niya na ito at alam niya nang darating sila sa puntong ito. “Hindi kasi nakita ko na rin ito, naramdaman ko na, napaghandaan ko na. Siyempre hurting, I am not perfectly fine but I am okay.”

Sa ngayon ay hindi nililimitahan ni Vice ang kanyang sarili na magsaya at enjoy-in ang oras na meron siya lalo pa at mas amrami siyang panahon para sa kanyang sarili. “I want to enjoy my life ngayon pa na ang sarap-sarap i-enjoy ng buhay dapat i-enjoy lang.”