• Home
  • Fresh Scoops
  • Melissa Ricks on Jake Cuenca: ‘I don’t want to be his friend’

Melissa Ricks on Jake Cuenca: ‘I don’t want to be his friend’

Melissa Ricks admits says she would rather stay away from Jake Cuenca than be friends with the actor.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/11/2014 7:47 AM
Melissa Ricks on Jake Cuenca: ‘I don’t want to be his friend’


051114-mel_main.jpgMatapos magsalita ni Melissa Ricks tungkol sa naging dahilan ng hiwalayan nila ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Paul Jake Castillo, naitanong sa kanya kung nailaban niya ba ang kanilang naging relasyon hanggang sa huli. “Ako naman in all my relationships, ako I believe na hindi ako nagkulang. Ginawa ko ang lahat para maayos and if hindi siya maayos, that is the end of it. Okay lang.

“Okay lang naman ngayon, masaya naman. Enjoying being single, I am going out a lot more. Gusto ko matuto na makihalubilo sa mga tao, to talk to people, to meet new people kasi late bloomer ako e. I didn’t go out when I was younger, bawal ako lumabas, bawal ako uminom, bawal ako pumarty, bawal ako sa ganyan, takot ako sa tao so this time I want to explore, I want to learn, I want to make mistakes kasi I am 24 years old na and you know I am not getting any younger so dapat mag-enjoy lang.”

At kung tumatanggap na ba siya ng manliligaw ngayon, walong buwan pagkatapos nilang maghiwalay ni Paul Jake, “Tinatanggap ba yun o hinahayaan natin? Kapag may gustong manligaw, yeah why not? My doors are open naman, wala naman akong sinsasarang pinto for anyone.” 

Muli ding naiungkat ang naging relasyon nila ng aktor na si Jake Cuenca. Sa ngayon ay aminado si Jake na masaya sa kanyang buhay pag-ibig sa piling ng kanyang Filipino-Australian girlfriend na si Chanel Olive Tomas. 

Nang muling naitanong kung nais niya rin bang maging kaibigan ang dating karelasyong si Jake tulad ng pagkakaibigan nila ngayon ni Paul Jake, “Like I said before it has been such a long time. Ako, I just let it go. Hindi na ako umaasa ng anything from him pero no, I don’t want to be his friend. I have my own reasons. Ako naman po wala akong kaaway, I don’t like holding grudges pero that time talaga hindi talaga eh. I tried to be a friend towards him, I tried to be nice, I tried to accept things pero hindi talaga kaya. Pero civil lang naman, hindi naman kami magkaaway pero I [would] just rather stay away.” 

Ibinahagi din ni Melissa ang kanyang damdamin patungkol sa paglalaan ng mas mahabang oras upang mas makilala pa ang isang tao, kung darating ang panahon na bubuksan niyang muli ang kanyang puso. “Ako naman you’ll never know. You never know when you are going to meet someone, you’ll never know when you are going to fall in love so hindi naman ako naghahanap. It will come, hindi naman sa bubusisiin ko na yung mga susunod or mas mahirap. Daraing din yan, I don’t want to rush into things.”