• Home
  • Fresh Scoops
  • Pokwang on love life: ‘Yung kinabukasan po muna ng anak ko saka muna ang lumandi’

Pokwang on love life: ‘Yung kinabukasan po muna ng anak ko saka muna ang lumandi’

Pokwang chooses to prioritize her daughter’s needs than to focus on her love life.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/2/2014 7:48 AM
Pokwang on love life: ‘Yung kinabukasan po muna ng anak ko saka muna ang lumandi’


050214-pokwang_main.jpgKinamusta ng PUSH si Pokwang sa pelikulang ginagawa niya ngayon kasama si Zanjoe Marudo. “Ay masaya! Ibang atake nanaman po ito ng romantic comedy. Sobrang ang saya ng pelikula at ang direktor pa ng pelikula Mr. Tony Reyes, alam niyo na.

Sa huling pelikula ni Pokwang na Call Center Girl, malaki ang kinita nito sa box office kahit na maindie (mainstream-independent film) ito. Mas kampante na ba siya ngayon sa kanyang bagong project? “Since nakatrabaho ko na rin si Zanjoe, iienjoyin na lang namin ito ng bonggang-bongga para positive lang ang labas ng trabaho, masaya.”

Dahil ang mga pelikula ng Star Cinema ngayong taon ay umaabot sa hundred million mark sa box office tulad ng DaPossessed, Bride For Rent, at Starting Over Again, pressured ba si Pokwang na tapatan ang ito? “Ganito lang yan. Ipa-ano mo na kay God. Ibuhos mo na yung kaya mo, trabaho, focus, masaya yun ang importante at prayers ‘di ba? E ayun na rin yun. Siyempre nandiyan naman kayong lahat at nandiyan naman kayo para tulungan kami at ang pelikula para suportahan.”

Noong ipinalabas ang kanyang pelikulang Call Center Girl, naiintriga sa kanya ang nakilala niya sa Enchanted Farm ng Gawad Kalinga na si Favian na French volunteer sa isang taping ng Kris TV. Nakasama niya sa isang block screening ang binata at aminado naman ito na may komunikasyon sila noon ng volunteer. Ngunit nang kamustahin siya sa kanyang love life, aniya, “Wala pa rin, may nakikita ka ba? Wala, wala yan. I would like to congratulate my daughter Top 3 siya sa kanilang class at yun na muna ang gusto kong i-concentrate ang mapatapos siya ng bonggang-bongga. Another two years pa yung bubunuin ko so wa munang keme.” Dagdag pa ng aktres dito, “Yung kinabukasan po muna ng anak ko saka muna ang lumandi.”
 
At sa ika-sampung anibersaryo ni Pokwang sa show business, magtatanghal siya ng isang malaking concert bilang regalo na rin sa lahat ng mga sumuporta at nagmahal sa kanya. “Dahil sampung taon ako nasa show business na ito, meron akong makakasamang sampung talagang mga yumminess at sampung malalaking sopresa na lahat sila may kinalaman sa buhay ko sa loob ng sampung taon sa showbiz.”
 
Dagdag pa ni Pokie, malaki ang parte niya sa conceptualization at kakalabasan ng anniversary concert niya na ito. “In all fairness naman talagang hinihingan nila ako ng suggestions, kung ano ang gusto ko.”