• Home
  • Fresh Scoops
  • Melissa Ricks admits Paul Jake was the one who first gave up on their relationship

Melissa Ricks admits Paul Jake was the one who first gave up on their relationship

Melissa Ricks says her relationship with Paul Jake ended because of people who kept on meddling in it.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/1/2014 2:16 PM
Melissa Ricks admits Paul Jake was the one who first gave up on their relationship


050114-melissa_main.jpgHindi na napigilan pa ng ilang press people na muling buksan ang paksa tungkol kay Melissa Ricks at sa dating nakarelasyon na si Paul Jake Castillo. At sa pagkakataong ito nagsalita muli ang aktres sa kanilang naging hiwalayan. “Mga 8 months na siguro kaming wala ni Paul Jake but we are okay, we are friends. I am very happy na naguusap kami, nagkikita. There is no problem sa friendship namin, siguro hindi lang tamang panahon na maging kami lang talaga  or maybe we are meant to be friends, hindi ko alam. The problem I don’t know what went wrong siguro may mga tao lang siguro na ayaw kang nakikitang masaya and they make reasons to put you down so ganyan. So maraming nangingialam so ako naman kung ganyan e hayaan mo na. Maybe it is not meant to be.” 

At nang mabuksan ang  pakikialam sa relasyon nilang dalawa kung sa parte niya ba o sa parte ni Paul Jake, ang nasabi na lang ni Melissa, “Ayaw ko nage-elaborate kasi tapos na yun eh. Ako I don’t want to hold any grudges against anybody basta last year was a big year, a lot of lessons and it made me mature, it made me a better person kasi grabe unexpected things happen to you and it’s a lesson. At least ang mate-treasure ko dun sa one and a half years na magkasama kami ni Paul Jake sobrang saya namin dalawa and I regret nothing from that relationship and sayang yung relationship pero it’s okay I guess it not meant for me, maybe its not meant for him. Maybe we are meant to be friends, at least nag-enjoy ako.” 

Naging tapat din si Melissa nang tanungin kung sino ba ang unang bumitaw sa kanilang relasyon, “Siya. Kasi yun nga, I don’t why, maybe you shouldn’t trust anyone you know. Maybe you should keep your circle small and hayaan mo na lang. I believe in karma and in good karma so Diyos na ang bahala.” Ngunit iginiit din naman ni Melissa na hindi mangyayari ang hiwalayan kung pareho silang hindi nagkasundo. “Hindi naman mangyayari ang break-up kung hindi mag-aagree ang dalawang tao. Napag-usapan namin na we are better off as friends, you know.” 

At sa posibilidad na maari silang magkabalikan ni Paul Jake, hindi naman nagsalita ng tapos ang aktres. “Ay, hindi ko alam,” sagot nito.