Ex-Best Friend ng Aktres, sasampahan siya ng kaso?

Pinag-aaralan na ng isang aktres (A) na sampahan ng kaso ang dating best friend (BF) na sobra nang sinisiraan ang kanyang pagkatao.

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

5/1/2014 6:15 PM
Ex-Best Friend ng Aktres, sasampahan siya ng kaso?


050114-ogie_main.jpgPinag-aaralan na ng isang aktres (A) na sampahan ng kaso ang dating best friend  (BF) na sobra nang sinisiraan ang kanyang pagkatao. 

"Porke miserable ang buhay niya ngayon, idadamay niya pati ako na nanahimik? Kaya nag-decide na kami ng asawa ko na idaan na lang to sa korte, tutal, sanay naman siyang um-attend ng hearing-hearing."

Nagsimula ito nu'ng ma-shock na lang si BF actress nang sinusumbatan na siya ni Aktres na, "Wala kang utang na loob. Pagkatapos ko kayong regaluhan ng asawa mo ng trip to Europe, kakampi ka sa kaaway ko!"

"Huh? Nagkita lang naman kami ng mister niya na kaaway niya ngayon, feeling niya, kinakampihan ko na 'yon eh ayaw nga naming mag-asawa sumali-sali diyan sa isyu nila. Basta nasa gitna lang kami. Ang nakakalokah, eh yung nilibre daw niya kami ng trip eh pinabayaan niya nga kami. Kami lahat ang gumastos dahil deadma na siya nu'ng hinihingi na namin 'yung mga certificates at plane tickets namin. As in deadma siya. Napasubo na lang kaming mag-asawa kaya itinuloy na lang namin. Tapos ngayon, ano 'yung sinasabi niyang nilibre niya kami? Hello, gastos kaya namin 'yon!"