• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino: ‘Binigay ni James Yap sa akin ang isang bagay na no other man gave me’

Kris Aquino: ‘Binigay ni James Yap sa akin ang isang bagay na no other man gave me’

Kris Aquino becomes emotional when she thanks James Yap and his family.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/9/2014 12:10 AM
Kris Aquino: ‘Binigay ni James Yap sa akin ang isang bagay na no other man gave me’


040814-kris_main1.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, ipinasilip ng host na si Kris Aquino ang isang eksena na naganap sa birthday celebration ng kanyang anak na si James Yap Jr. o mas kilala sa pangalang “Bimby.”

Sa eksena kasama ni Kris ang ama ni Bimby na si James Yap at emosyonal siya na humingi ng paumanhin kay James sa lahat ng “heartache” na naibigay niya dito. Ipinarating din niya kay James ang lubusang pagpapasalamat sa mabuting pagtrato nito sa anak ni Kris na si Josh Aquino Salvador. Ayon kay Kris minahal at inalagaan ni James si Josh na parang anak niya. Maging ang pamilya diumano ni James ay naging mabuti at mabait kay Josh. Gusto diumano itong iparating ni Kris sapagka’t sa mahabang panahon puro galit ang namutawi sa kanyang puso at nakalimutan niyang magpasalamat. Dagdag pa niya, kung wala si James ay wala si Bimby na kanyang “best friend.” Ayon kay Kris, si Bimby ang nagpapalakas at umiintindi sa kanya.

Bilang sagot naman, si James ay humingi rin ng paumanhin kasi hindi siya naging perfect partner kay Kris at nagpasalamat ito na natanggap muli siya ni Kris.

Inamin ni Kris na nagtabi siya ng “around 12 pictures” at isa doon ay ang litrato na bata pa si Josh at karga siya ni James. Ipinakita ito ni Kris at binasa ang caption na nilagay niya sa litratong iyon kung saan naka-tag si James. “This was the picture I mentioned seeing Sunday night that brought back happy memories. Like I said in the interview, I will not forget the love and acceptance you gave Kuya Josh nine years ago. Hindi mo siya kadugo, pero dahil minahal mo ang nanay niya, you treated him like your own. It’s hard to believe he is now taller than you. Like I assured you, I will encourage Bimb to love honor and respect you as his father. In time, all of Bimb’s wounds for witnessing our fights and his Mom’s pain will heal. Thank u for not giving up wanting to be a part of your son’s life.”  

Magandang mensahe din ang ibinigay ni Kris sa mga magulang mula sa mga natutunan niya. “If it doesn’t work out for both of you, be the bigger person don’t fight in front of the child because James and I are paying the price right now dahil andami naming inaayos kay Bimby bilang tao para maging bukas siya at mahalin niya ulit ang tatay. Sana never akong nakipagaway sa tatay niya sa harap niya.” 

Kinlaro din ni Kris kung ano ngayon si James Yap sa buhay niya. “There’s a lot of regret, that’s the truth. Maraming panghihinayang, nagsisi ako na dapat nung nagpatawad ako, sana nagpatawad (talaga) ako, but it is what it is and we have moved on. Binigay ni James Yap sa akin ang isang bagay na no other man gave me. Binigay niya yung pangalan niya sa akin, so nawala man yun nabura man yun, meron kaming matinding pinagsamahan. The fact that at one point in our lives, we loved each other enough, pero yung if I love him now… He will always have a place in my heart but I’m at a point already na meron na akong ibang gustong makasama pang habang buhay.” 

Sa huling statement ni Kris ay napangiti ang kanyang co-host na si Boy Abunda at napahiyaw ang crew ng show dahil na rin sa rebelasyon niya noong nakaraang araw tungkol sa relasyon niya sa Quezon City Mayor Herbert Bautista.

WATCH VIDEO ON ABS-CBN.com