• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino at James Yap, nag-"closure" na kasabay ng celebration ng 7th birthday ni Bimby!

Kris Aquino at James Yap, nag-"closure" na kasabay ng celebration ng 7th birthday ni Bimby!

Dumating na rin finally ang point, na kayang magkaharap at magkasundo ng dating mag-asawa.

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

4/8/2014 6:15 PM
Kris Aquino at James Yap, nag-


040814-darla1_main.jpgIndeed, a TV moment. 

Lahat tayo naging part, o nasaksihan ang journey sa buhay nina Kris Aquino at James Yap. Kasama ni Josh at ni Bimby. Matapos umamin si Kris tungkol sa namumuong pagtitinginan sa kanila ni QC Mayor Herbert Bautista - at habang si James, as we all knew before pa ay happy na rin with his Italian girlfriend na si Michela Cazzola... Dumating na rin finally ang point, na kayang magkaharap at magkasundo ng dating mag-asawa. Pleasant ang atmosphere pagdating ni James sa venue ng 7th birthday party ni Bimb. 

As shared by Kris sa top-rating morning reality talk program na Kris TV, naki-share si James ngayon sa gastusin sa party ni Bimb. 


darla_insert.jpg
And sa isang pambihirang pagkakataon, bago ang party proper, umupo together - with yours truly, si Kris at James. Para pag-usapan ang bagong chapter sa buhay nilang dalawa bilang mga magulang sa kanilang anak. Positive, magaan, masaya. Ito ang naramdaman ko sa buong time na nagu-usap-usap kaming tatlo. There were a few times na naging very emotional si Krisy, as in napaiyak siya, dahil na rin sa overwhelming feeling of peace - and marahil nga, ng closure na finally ay dumating daw sa kanilang dalawa. 

Gaya nga ng sinabi ni Kris sa A&A Tonight, they may have failed as husband and wife... Pero they still have the chance - Bimby's whole life, to work on being the best parents they can be to their son. 

Isa itong usapan na lahat kayo makaka-relate. Unexpected. Honest and candid. Liberating. Forgiving. Loving. 

Don't miss the full interview. Airing on Kris TV this Friday - April 11, 2014.

Thank you Jasmin Pallera (@jasminip) for the photos.