• Home
  • Fresh Scoops
  • Updated: Kris Aquino reveals she and Herbert Bautista are ‘partners’

Updated: Kris Aquino reveals she and Herbert Bautista are ‘partners’

Kris Aquino says this is the first and last she will be speaking about her relationship with QC Mayor Herbert Bautista.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/7/2014 11:25 PM
Updated: Kris Aquino reveals she and Herbert Bautista are ‘partners’


040714-kris_main.jpgMay pasabog ang host na si Kris Aquino ng Aquino and Abunda Tonight nang bigyan na niya ng tuldok ang spekulasyon tungkol sa kanila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.  Noong Sabado, April 5 nagpost si Kris ng picture ng family dinner ng pamilya Aquino at kasama doon si Mayor Herbert. Binasa ng Queen of All Media ang isang pahayag na aniya ay mensahe na hindi lamang galing sa kanya kundi galing din kay Mayor Herbert. Ayon kay Kris, ilang ulit niyang binasa ang pahayag kay Mayor Herbert at pinagtulungan nila ang ilalagay doon sapagka’t “partners” sila.

Sa sulat sinabi nila na pitong taon na ang nakalilipas nang magkaroon ng gulo ang pagsasama nila James Yap at Kris bilang mag-asawa, apat na taon na silang hiwalay at dalawang taon na silang annulled. May long-term girlfriend na din diumano si James. Sinabi din niya na sa apat na taon na yo’n wala siyang ipinakilala sa pamilya niya at sa mga anak niya sapagkat “there was nobody I was ready for.” Sinabi diumano ng kanyang mga kapatid na kailangan munang maging  buo at ganap ang pagkatao niya at nakinig naman  siya  kahit na “painful and lonely” ang paglalakbay na tinahak niya sa apat na taon na iyon. Ganunpaman, sinabi ni Kris na kailangan niyang pagdaanan ang paglalakbay na iyon.

Ilang linggo bago pa man lumabas ang spekulasyon tungkol sa kanila ay humingi diumano si Mayor Herbert kay Pres. Benigno “PNoy” Aquino III ng permiso na i-date si Kris. Nakakatuwang paglalahad ni Kris na dahil sa pagka-busy ni PNoy, akala diumano ni PNoy ay may gagawing project si Kris at Herbert para sa Quezon City. At “later that day” na lang nalaman ni PNoy na “permission to date Kris” pala ang hinihingi ni Mayor Herbert. Natawa diumano si PNoy at napahanga sa ginawa ni Herbert. Maging ang mga kapatid na babae ni Kris ay napahanga diumano kasi nagpapatunay lamang ito na malinis ang intensyon ni Mayor Herbert sa kanilang bunsong kapatid.

Ngunit sinabi ni Kris na para magkaroon sila ng “chance at forever” mamabutihin nila na maging private ang kanilang “journey.” Kaya ayon sa aktres-host ang pahayag nilang iyon ang “una at huling pagkakataon na pag-uusapan ko si Mayor Herbert Bautista.” Hindi lamang daw ito sa kanyang shows at interviews kundi pati na rin sa kanyang mga posts sa social media. Nangako din diumano siya kay Mayor Herbert na “our relationship won’t be a distraction (to) his obligations.” Dagdag pa ni Kris, nais niyang maging inspirasyon at hindi stress sa Mayor.

Sa edad diumano nilang 43 (Kris) at 46 (Mayor Herbert), seryoso sila sa pinapasok nilang relasyon. 

Ito ang kabuuan ng statement ni Kris na binasa niya sa Aquino and Abunda Tonight:

It was seven years ago when James and I publicly went through what ultimately led to the end of our marriage. It has been four years since we separated and two years since we were granted our annulment.

We have learned that Bimb deserves to have both his mom and dad involved in his life as co-parents. And that takes forgiveness and compromise. It needs acceptance that we’ve all moved forward, that James has a long-term girlfriend, and it’s much better for all of us to be cordial because we want what is best for our son. We have matured enough to know that, though James and I failed at being husband and wife, we do have the rest of Bimb’s life to succeed at being his parents.

Wala po akong pinakilala sa mga anak ko at sa mga kapatid ko for four years, because there was nobody I was ready for, and more importantly, there was nobody they were ready to meet. My siblings impressed upon me that I needed to become whole on my own first, so as not to commit another mistake. And thank God I listened. It was a journey that was often times lonely and painful, yet one I needed to travel to become the person I am today.

And now, there is somebody in my life who is special. Weeks before any speculation about us came out, personal po siyang humingi ng permiso sa kuya ko. Maraming iniisip si PNoy, kaya ang intindi niya noong time na ‘yun, na may gagawin kami ni Mayor para sa Quezon City. Until later, that same day noong nag-text kaming magkapatid, natawa na lang si PNoy na permission to date his sister pala ang hiningi. But that gesture gained the respect of my brother and my sisters, because it showed all of them na malinis ang intensyon para sa bunso nila.

Yes, my family welcomed him to join us during our get together, because they want to know him better, and they want him to get to know our family. Just like other Filipino families, we are very close and care deeply for one another.

Sa edad, napagdaanan at estado naming dalawa, alam naming na seryoso ang pinapasok namin. We both chose public careers that have given us deep fulfillment, and we do have exceptional professional and personal responsibilities. And part of that is being answerable to all of you.

Ito po ang una at huling pagkakataon na pag-uusapan ko si Mayor Herbert Bautista, sa punto ng buhay namin, whether in my shows, interviews or my personal social media posts.

I promised him that our relationship won’t be a distraction in his obligations to the three million residents he took an oath of office to serve. He has given more than 25 years of dedicated public service, and my respect for him and his office is such, that I do not want to add stress, but hopefully give him inspiration.

In turn, Herbert has expressed his admiration and respect for the dedication and hard work I have put into my profession. He values the love you, my audience, and I have shared on a daily basis for almost 20 years.

I am 43 and, on May 12, he will be 46. I am sure all of you who are watching me now will agree when I state that staying together, that choosing to love one another, requires much day-to-day effort. And if there is something that the past has taught me, it is that I cannot be in this alone. Herbert and I are partners in either failure or success of our being together, and we can strengthen what we have by allowing ourselves to have a chance at forever by keeping quiet and private about what is here and now.

We are a work in progress and it’s a joint project that both of us are happily undertaking with maturity, respect and commitment. 

WATCH THE VIDEO ON ABS-CBN.com