Eh, kaya naman pala gano'n. Kasi, mahilo lang ang aktres, ira-rush na ang sarili sa ospital. Masugatan lang nang konti, ospital na agad ang punta. At kilala na siya sa naturang pangmayamang hospital, dahil doon siya madalas magpa-confine. At hindi na rin natataranta ang mga nurses na baka may malalang karamdaman si Aktres pag dumarating, dahil nito ngang huli, nagka-hangover lang ito ay punta na naman sa ospital.
Naaaliw na nga lang daw ang mga staff ng hospital, dahil masyado raw sosyal ang Aktres. Ginagawa na raw nitong hotel ang ospital. At ang nakakalokah, gusto nito, sa backdoor ang daan at hindi sa lobby. At kailangan, bago bumukas ang kanyang van ay nakapuwesto na sa door ang nurse niya kasi nga VIP treatment ang gusto niya.
At ang nakakalokah nito, du'n sa form na pini-fill up-an ay nakalagay kung magkano ang gross monthly income. Ang inilagay ng aktres ay P2-3M.
"Ano po ba raket niya ngayon? Parang hindi naman siya active, di ba?"
Ang balik-tanong ko naman, "Nakakabayad naman pag magtse-check out na?"
"Opo naman."
"'Yun ang importante. Hayaan n'yo na siya kung 'yun ang lifestyle niya."
Pero siyempre, sa ating mga Pinoy, 'yung hilo at hang-over, pahinga lang 'yan, hindi na kailangang iospital. Unless, pabalik-balik ang sumpong o me kakaiba na talagang pakiramdam.
Clue? Eto ang apat na letra. 'Yung dalawa diyan ang kanyang initials.
R-A-G-M