• Home
  • Fresh Scoops
  • Attorney Alma Malongga calls third rape case against Vhong Navarro ‘a desperate move’

Attorney Alma Malongga calls third rape case against Vhong Navarro ‘a desperate move’

Atty. Alma Malongga reveals how Cedric Lee is threatening her and why the third rape case against Vhong Navarro is a sign of desperation

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/7/2014 11:24 PM
Attorney Alma Malongga calls third rape case against Vhong Navarro ‘a desperate move’


040714-Vhong2_main.jpgKaugnay sa paglabas nanaman ng pangatlong babae na nagsampa ng kasong rape  kay Vhong Navarro, sinabi ni Attorney Alma Malongga sa Aquino and Abunda Tonight na isa itong “desperate” move sapagka’t nalalapit na diumano ang  resolution sa kaso ni Vhong laban sa kampo nila Cedric Lee at Deniece Cornejo. 

Expected na din diumano nila ang complaint na ito dahil nasabi na ito ni Cedric Lee noon na may anim o pitong babae na lalabas at magpaparatang ng rape laban kay Vhong. Alam din nila na may mga lalabas pa. 

Totoo din diumano na may threat na natatanggap si Atty. Malongga mula kay Cedric. Ayon sa kanya, kinausap ni Cedric ang isang mutual friend para ipaabot sa kanya na i-drop nila ang kaso laban kay Cedric o di kaya ay i-settle. Ang gusto diumano mangyari ni Cedric ay i-drop ang kaso laban sa kanya at ibabasura din niya ang kaso laban kay Vhong. At kung hindi, si Atty. Malongga mismo ang kakasuhan niya ng kasong kriminal at disbarment. 

Sagot naman ni Atty. Malongga, “I do not know of any case that he can file against me” at haharapin niya ang kahit ano mang gawin ni Cedric.

Giit pa niya, “Vhong is not a rapist” at “I will not defend a person I do not believe in.”