• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiray Celis says she wants to follow in Maricel Soriano's footsteps

Kiray Celis says she wants to follow in Maricel Soriano's footsteps

Kiray Celis admits she wants to be taken more seriously as an actress.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

4/5/2014 11:17 PM
Kiray Celis says she wants to follow in Maricel Soriano's footsteps


040614-KIRAY_main.jpgAfter being part of the 2013 MMFF blockbuster entry Girl, Boy, Bakla, Tomboy, Kiray Celis said she is looking forward to another exciting year. “Busy naman ngayon, masaya. Siguro ang lagi nilang kinukulit yung bagong teleserye kaso wala pa for now. Excited rin ako kung magkaroon. Wala akong dream project talaga, kahit ano eh, basta may pera (laughs). Anything, open ako sa lahat,” she shared.

After celebrating her debut last year, Kiray said she wants to be taken more seriously as an actress and even wants to venture into more mature roles to widen her ability in acting. “I do, puwede pero hindi naman yung hubad hubad. Gusto ko malaman nila na hindi na ako ganun na teenybopper. 18 na ako eh. Kaso sa height ko kasi talaga (laughs). But at least, I'm forever young,” she admitted.

For her next movie project, Kiray said she wants to do a role that is darker and more complex. “Dream role ko yung sa The Orphan, yung namamatay tao. Favorite at dream role ko talaga yung mamamatay tao. Sobrang angas nun, yun talaga yung dream role ko, kunyari mabait sa una tapos siya pala yung pumapatay ng mga tao,” she said.

One of the best experiences for Kiray last year was getting the chance to act alongside veteran actress Maricel Soriano who is incidentally also her acting idol. “Siya talaga yung mahal na mahal ko at sobrang idolo ko. Nakasama ko siya sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy so very proud ako. Itong suot ko bigay niya. Binibigyan niya ako ng damit, as in nanay ko siya talaga. Siya yung nagdadamit sa akin, 'Anak, ito yung suotin mo.' ganun siya sa akin na kinaka-proud ko kasi lagi niyang sinasabi sa akin na ako yung little version niya, parang ganun,” she said.

Kiray said she was intimidated at first during their first taping day, but Maricel proved her wrong. “Actually nung una takot ako kasi si Maricel Soriano yun, nung nalaman ko akala ko mataray na hindi ako puwedeng magsalita ng kung ano kasi baka hindi niya magustuhan, masampal lang ako. Kasi ang balita ko mahilig daw siya manampal tapos sobrang sakit pa. Sabi ko hindi talaga ako magsasalita pag magkasama kami. Sabi ng mama ko behave lang daw ako. Pero hindi, ako yung dinadaldal niya. Nung una iwas ako kasi iniisip ko bakit niya ako kinakausap? Pero sobra sobra niya palang bait. Bigla na lang yan mag-te-text ng 'Anak I miss you.' mga ganyan ganyan. Marami siyang regalo sa akin, siguro mga 15 pieces ng damit na sobrang mamahalin talaga.  Sa isang dress lang, merong tag kasi, sabi niya pag malaki ibalik ko daw, parang ganun siya. Pagka-tingin ko sa price sabi ko, 'Nay, ano ba ito!' (laughs).”

When it comes to acting, the actress said Maricel leads by example. “Wala siyang ina-advice sa akin. Kasi sabi niya, 'Nak, ang galing mo. Alam mo nung bata ako hindi ko yan kaya' gumaganun siya sa akin. Sabi niya iba ako. Tapos nung nakasama ko siya sa eksena, talagang napabilib ko daw siya na hindi ako makapaniwala na si Maricel Soriano napabilib ko na parang sobrang galing nun. Aminin mo naman, feeling ko konti lang yung mga artistang alam mong magaling talaga, hindi sila sumikat dahil ang ganda nila, hindi siya sumikat dahil mas sexy, dahil tisay, hindi eh, puhunan nila acting talaga eh. I mean magaling sa magaling talaga. Aminin naman natin yun, hindi siya magiging Diamond Star kung hindi ganun. Sobrang favorite ko yung mga movies niya kasama ni ninong Roderick Paulate, yung bakla baklaan tapos mga love team love team kay Vic Sotto, yung mga ganun. Sobrang idol ko siya dun,” she said.

Kiray also said she has kept in touch with her former LUV U cast mates, especially her love team partner Igi Boy Flores. “Oo naman, lagi ko kasama si Igi Boy kasi pa may mga guesting or may mga mall show kami pa rin yung magkasama. Tag team kasi kami, partners talaga. May gagawin kaming movie ni Igi, kasama namin sila Eddie Garcia this year,” she revealed.