• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla and Kathryn Bernardo talk about the their new movie

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo talk about the their new movie

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo are feeling the pressure to bring great box office results for their new movie.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/5/2014 11:57 AM
Daniel Padilla and Kathryn Bernardo talk about the their new movie


040514-kathniel_main.jpgSa story conference nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para sa pelikulang She Is Dating A Gangster na mula sa isang best-selling na libro, ibinahagi nila ang ilan sa mga aabangan ng kanilang mga fans dito. Ayon kay Kathryn, “Excited ako kasi great love story siya. Hindi siya basta rom-com (romantic comedy) kung ‘di seryosong love story talaga. And yung characters namin ditosi Athena, nag-aaral sa high school tapos makikilala niya si Kenji—yung parang sa libro.”

Nagsimulang sumikat ang istorya ng She Is Dating A Gangster online at dumami ang mga followers nito hanggang sa na-publish ito. Natanong kina Daniel at Kath kung may pressure din ba sa kanila na mabigyan ng hustisya ang mga karakter na minahal na ng mga mambabasa. “Opo, siyempre hindi naman sa atin nawawala yan. Pero ito kasing movie na ito maganda yung story kaya na-excite kami ni DJ kasi mas parang nag-grow kami dito sa story and yung sa libro hindi naman namin inalis yung story niya pero dinagdagan pa namin ng para mas mapaganda siya.

Ito rin ang muling pagsasama nila ni Cathy Garcia-Molina na direktor nila sa Got To Believe. Nang ilarawan ni Daniel  ang direktor, aniya, “She is the best, she is the greatest.” Dagdag pa niya dito, “Basta Direk Cathy mapa-pelikula man o teleserye, the best ka talaga Direk. Alam naman namin na kapag kay Direk Cathy e aalagaan naman talaga sa lahat—sa itsura, sa acting, sa lahat.

Nabanggit na rin ni Direk Cathy na excited na siyang muling makatrabaho ang dalawa at inaming paborito niya sina Daniel at Kathryn. Nang hingan ng reaksiyon ang dalawa tungkol dito, “Siyempre kinakabahan ako kapag ganun. Gusto ko na mameet ang expectations pero gagalingan ko. Gagawin ko ang the best at gagawin ni Kathryn ang kanyang best at gagalingan nito ng todo.” 
Na pre-pressure ba sila at ang mga Star Cinema ngayong taon ay umaani ng daang milyun sa takilya? Para kay Kathryn, “From Starting Over Again, ilang milyon yun? 300? Ayaw namin namin mag-ano, mag-expect kasi kung titignan mo, bago pa lang naman kami and siyempre sana maging successful siya pero ayaw namin magexpect. Basta sisiguraduhin namin na maganda yung materyal na mapapanood nila.”

Ang Kathniel din ang kumanta ng theme song na theme song nito na “PINAsmile” para sa pinakabagong ABS-CBN Summer Station ID. Ang biglang sagot ni Daniel tungkol dito ay naging simula ng tuksuhan ng dalawa. “Ako tuwang-tuwa ako dahil napakaganda ng boses ni Kathryn. Talagang hindi ko inakala na ganun pero napanood niyo yung station ID? Tignan niyo naman yung pinapakita pa yung pagkanta niya,” Tawang-tawang sinabihan ni Kathryn si Daniel ng “sarcastic,” na agad namang dinugtungan ulit din ni Daniel. “Kung ano ang lumalabas dun, yun na yun. Magaling kumanta si Kathryn.” At humarap ito sa ka-love team at sinabing, “Ang galing mong kumanta.”

Para kay Kathryn, ang experience na kantahin ang summer station ID theme ay, “Masaya naman yung nangyari sa station ID. Actually masaya naman siyang nirecord ng medyo ilang oras yun at masaya kami sa outcome niya, maganda siya.”