• Home
  • Fresh Scoops
  • Mayor Herbert Bautista, bumisita sa KrisTV Taping; Kris Aquino nilinaw na friends lang sila ni Derek

Mayor Herbert Bautista, bumisita sa KrisTV Taping; Kris Aquino nilinaw na friends lang sila ni Derek

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

4/4/2014 3:33 PM
Mayor Herbert Bautista, bumisita sa KrisTV Taping; Kris Aquino nilinaw na friends lang sila ni Derek


040414-darla_main.jpgMatapos ang ilang linggong usap-usapan tungkol kina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista, for the first time ay nakunan na ng camera ang dalawa na magkasama. Nangyari ito nang dumalaw si Mayor Herbert sa taping ng Kris TV, na ipinalabas naman kanina – Friday, April 4, 2013. 

Kapansin-pansin ang pagiging “cool” ng samahan ng dalawa sa puntong, on cam ay nagkakabiruan pa sila gaya ng pagtawag ni Mayor Herbert kay Kris na “baliw.” Ito ay matapos ang pambungad niyang bati kay Kris na “two mayors in one day?” na tinutukoy ang naunang pagbisita ni Makati Mayor Junjun Binay sa nasabi ring taping ng Kris TV.

Samantala, sa pareho ring episode ay sinagot na rin ni Kris ang isyu na patuloy nagli-link sa kanila ni Derek Ramsay. 

Wala. Kasi it speaks for itself,” bungad ng Queen of All Media referring to her deleted Instagram posts about Derek.

“I think it’s safe to say we are really good friends and nag-reconnect kami. Happy kami to be good friends and to be with each other and to keep each other company and to keep each other’s secrets and I think can leave it at that.  Alam mo ang sinabi nga niya sa ‘kin was that may mga nagsasabi niyan na ginagamit ko siya dahil may pinagtatakpan daw ako and na-touch ako sa sinabi niya na she’s Kris Aquino bakit ko siya gagamitin and he’s Derek Ramsay bakit niya ko gagamitin sa level naman ng hotness niya hindi niya ko kailangan at sa laki naman ng kontrata niya ngayon ano pa bang maidudulot ko sa buhay niya. We’re friends and siguro ano nasabi ko to before na sino bang magkakagusto na ganun kagwapo boyfriend mo eh hindi ka na magta-trabaho dahil magbabantay ka na lang pero kung ganun ka-gwapo yung pwede mong i-best friend bakit hindi,” paliwanag pa ni Kris.