• Home
  • Fresh Scoops
  • Exclusive: Gerald Anderson speaks up about Kim Chiu’s alleged tweet to Maja Salvador

Exclusive: Gerald Anderson speaks up about Kim Chiu’s alleged tweet to Maja Salvador

Gerald Anderson confirms that everything’s good between Maja Salvador and Kim Chiu.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/4/2014 10:02 AM
Exclusive: Gerald Anderson speaks up about Kim Chiu’s alleged tweet to Maja Salvador


040414-gerald_main.jpg
Nakatakdang umalis si Gerald Anderson para sa isang basketball game sa ibang bansa kasama ang ibang mga kapamilya stars at leading men. “Yes, meron kami sa Hayworth of course sa April 11 tapos on April 12 sa Pasadena naman in LA. So hope to see you guys there so mage-enjoy kayo dun I promise. Meron kaming show sa April 13 sa Las Vegas kasama si Enrique Gil at Enchong Dee.”

Sinabi ni Gerald na walang oras din siya para makapagbakasyon. “Its work e, tuwing Holy Week may ganito kami which is masaya kasi isa ito sa mga nilolook forward namin every year… yung basketball muna yung iniisip ko gusto ko pagpunta namin dun mapapasaya namin yung mga tao.”

Nagbigay din siya ng pahayag tungkol sa nangyari sa kanyang Dyesebel leading lady na si Anne Curtis kung saan ay nasalabay ng dikya ang aktres. “Unang-una siyempre get well soon and hindi rin biro yung nangyari sa kanya. Siyempre I will pray for her and siyempre gusto din niya magpasalamat for the success and the support of Dyesebel. Ayun lahat kami, nakita niyo nga kinagat pa siya so I am sure she is still willing to work and it just shows na sobrang dedicated siya sa pagiging Dyesebel.”

Isa sa mga naging usap-usapan ng linggong ito ang sinasabing pagbabati na ng dating magka-love team na sina Gerald at Kim Chiu, na kinumpirma mismo ng aktor sa panayam an nasimulan na nang may lumabas na mga litratong nakitang silang nag-uusap ni Kim. Ayaw mang magbigay ng detalye pa ni Gerald sa nangyari pagbabati, ang importante, ayon sa kanya, ay maayos na ang lahat, “Ang importante ay okay na lahat.”

Noong isang linggo ay may maintrigang tweet sa kanyang Twitter account si Kim na ayon sa ilan ay patama sa naging panayam ni Maja Salvador tungkol sa sinasabing posibilidad ng pagbabati na nila ng nakaalitang kaibigan. Nangyari ang panayam sa press conference ng album launch ni Maja Salvador at matapos lumabas ang balita, nag-tweet si Kim ng, “cge lang, ‘promo’ ‘promo’ din pag may time,” na agad din namang binura ni Kim. Nang hingin ng PUSH ang pahayag ni Gerald tungkol dito kung naniniwala ba siyang patama ito sa kanyang girlfriend, “Siguro siya po ang dapat tanungin kasi siya yung nag-tweet.” 

Abangan ang kabuuan ng panayam sa Buzz ng Bayan ngayong linggo pagkatapos ng Luv U.