• Home
  • Fresh Scoops
  • Pokwang, labis na nagpapasalamat sa Lifetime Achievement Award na natanggap

Pokwang, labis na nagpapasalamat sa Lifetime Achievement Award na natanggap

Muli na namang humakot ng parangal ang ating mga kapamilya, sa katatapos lamang na deliberation ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation para sa 45th Box Office Entertainment Awards.

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

4/30/2014 2:36 PM
Pokwang, labis na nagpapasalamat sa Lifetime Achievement Award na natanggap


043014-darla.jpgMuli na namang humakot ng parangal ang ating mga kapamilya, sa katatapos lamang na deliberation ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation para sa 45th Box Office Entertainment Awards.

Itinanghal  na Phenomanal Star ang Unkabogalbe Star na si Vice Ganda kasama ni Vic Sotto, maliban dito siya rin ang nagwagi bilang Male Concert Performer of The Year. Phenomenal Child Star naman ang anak ni Kris Aquino na si Bimby, kahanay ni Ryzza Mae Dizon. Samantalang, isa sa pinakabatang nakatanggap ng parangal bilang Prince and Princess of Philippine Movies ang tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na nanalo rin bilang Promising Male Singer / Performer of the Year.  Box Office King and Queen sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo para sa kanilang pelikulang It Takes A Man And A Woman, aside from this ay si Sarah din ang Female Concert Performer at Recording Artist of The Year.

Most Promising Male and Female Stars naman sina Enrique Gil at Janella Salvdor, ang huli ay nanalo rin bilang Most Promising Loveteam on TV kasama si Jerome Ponce. Most Popular Novelty Singer naman si Toni Gonzaga para sa kanta niyang “Kahit Na.” Top Rating Daytime Drama naman ang Be Careful With My Heart, habang Top Reality Talk / Talent Search / Game Show naman ang The Voice of the Philippines. Most Popular Loveteam naman ulit sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap. Most Popular Child Stars naman sina Raikko Mateo (Honest) at Mutya Orquia (Be Careful). Winner din ang Star Cinema bilang Most Popular Film Producer, kasama ng Most Popular Screenwriter na si Carmi Raymundo (It Takes) at Director Wenn Deramas (Girl, Boy),

Muli namang pinagkalooban si Pokwang ng Bert Marcelo Lifetime Achievement Awards.

Thank you Darla at ganoon din sa lahat ng nagtiwala sa aking kakayanan para mapasaya sila sa pamamagitan ng talentong ipinagkaloob ni God sa akin. Salamat sa pamilya ni Tatay Bert ‘Tawa’ Marcelo sa pangalawang beses na pagtitiwala na tanggapin ko ang karangalang ito. God bless us all and sabi nga ni Kris, love love love,” ang labis ang pasasalamat na mensahe ni Pokwang sa lahat.