• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin reacts to ‘cheating rumors’ and opens up about Phil Younghusband

Angel Locsin reacts to ‘cheating rumors’ and opens up about Phil Younghusband

Angel Locsin says that she never cheated in a relationship, but was always the victim of cheating.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/30/2014 10:55 AM
Angel Locsin reacts to ‘cheating rumors’ and opens up about Phil Younghusband


043014-angel_main.jpgHindi na magkamayaw ang mag manonood gabi-gabi sa teleserye ni Angel Locsin na The Legal Wife. Sa pakikipag-usap ng PUSH kay Angel, naibahgi niya ang kanyang mga saloobin sa kwento ng kanyang serye na nangyayari talaga sa totoong buhay. “Kapag babae, dapat ready ka. Maraming malalandi sa paligid, maraming mga willing makasakit ng kapwa-babae, marami ring malalanding lalaki. So, sa akin, happy lang ako na secure ako sa karelasyon ko, masaya kami. Parang sana alam mong mangyayari, pero sana huwag mo na lang isipin, yung parang ganon. Hindi naman sa alam mo yung mangyayari, parang i-ready mo lang yung sarili mo, pero ang hirap. Ang hirap maging babae sa totoo lang.
 
Ang pambabash at mga kumento sa mga artista lalo na sa social media ay hindi na maiiwasan. Kamakailan ay may sinagot na isang basher si Angel sa kanyang social media account. “Actually, hindi ako nang-aaway. Kung titignan mo yung IG (Instagram) ko, hindi ako nagbubura masyado, hindi ako nagblo-block kasi wala naman akong dapat itago.”

Dagdag pa ng aktres tungkol dito, “Kahit anong sabihin niyo sa akin, kilala ko naman ang sarili ko. Hello? Ako pa ba matatakot sa katotohanan? Kaya lang minsan, kapag sobrang below the belt na... nadadamay na yung pamilya ko. At saka yung paulit-ulit na ibaligtad yung sitwasyon dun na ako… parang, magsasalita ako. Pero ang sasabihin ko lang yung side ko. Kasi naniniwala ako na hindi mo dapat sirain yung buhay ng isang tao para ikaw ang umangat. Okay lang na ako ang maging negative, pero hindi ako sisira ng buhay ng ibang tao.”


Sa pakikipagbalikan ni Angel sa dating nakarelasyon na si Luis Manzano, maraming ag espekulasyon sa kanyang social media account na ito din ang dahilan ng kanyang pakikipaghiwalayan kay Phil Younghusband. Kaya naman nang hingan ng kumento si Angel tungkol sa mga lumalabas na ito, lalo pa at may ilang nagsasabing niloko niya diumano ang dating karelasyon, “Ay hindi. Utang na loob, hindi. Wala akong history sa pagchi-cheat talaga, walang ganon. Maraming beses akong naloko, maraming mga nang-aagaw, maraming malalandi. Pero wala naman kayong naririnig sa akin. So ‘pag nagsalita ako, ingat ingat na lang din. Hindi naman ako nagsasalita ‘di ba? Huwag na lang nila ako iprovoke, kung sino man yun.
 
At nang tanungin si Angel kung sino ba ang tinutukoy niya dito, ang nasabi lamang niya, “Pwede ka magsalita ng kung anu-ano pero ‘pag nasira mo na yung reputasyon ng isang tao lalo na sa industriyang ito na lahat pangalan ang binebenta. Ako alam ko naman ang totoo saka naniniwala ako na lalabas ang totoo eventually. Kung hindi man ngayon, sa future.”
 
Isang matapang na Angel din ang nagsabing ang mga akusasyong lumlabas laban sa kanya sa social media ay gawa-gawa din ng mga taong gusto siyang sirain. “Actually feeling ko yung nagsasabi nun parang isang tao lang. Gawa lang ng gawa ng account, walang followers. So ano ba to. Sila-sila din?
 
At dito, klinaro niya ang pangalan ni Phil na sinasabing nanloko daw sa kanya na dahilan para maghiwalay ang dalawa. Ipinagtanggol ni Angel ang atleta at sinabing napakabait ng Phil. “Wala siyang ipinakitang masama sa akin. Feeling ko nasira lang kung ano man yung magandang relasyon namin, [yung] okay na breakup namin, dahil sa mga taong nag-aassume. Hanggang ngayon nga hindi ako nagbubura ng pictures sa IG kasi wala naman kaming masamang tinapay sa isa’t isa. Napakabuting tao ni Phil. Madami akong natutunan sa kanya. Kung ano yung kilig na ibinigay niya sa akin… darkness talaga ako nung time na nagkakilala kami ni Phil at alam niya naman yun. Sinasabi ko naman sa kanya. So ang laki ng naitulong niya sa akin. Ayoko nga sana banggitin yung pangalan niya. Kasi alam ko ayaw na rin niya pagusapan. Pero sana stop na yung bashing kasi okay naman kaming naghiwalay e.”