• Home
  • Fresh Scoops
  • James Reid opens up about being ‘MIA’ for the past few years in showbiz

James Reid opens up about being ‘MIA’ for the past few years in showbiz

James Reid admits that he wasn’t sure if he really wanted to pursue showbiz then, but now he is more driven than ever.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/3/2014 9:03 AM
James Reid opens up about being ‘MIA’ for the past few years in showbiz


040214-james_main.jpgNagbabalik ang kinilalang Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010 winner na si James Reid sa pinakauna niyang pelikula na Diary ang Panget mula sa isang bestelling book. Matapos ang PBB, naging aktibo sa ilang mga television shows si James Reid tulad ng Good Vibes at Precious Hearts Romances: Pintada ngunit matapos nito ay aminado si James na pinili niyang hindi muna maging aktibo sa showbiz.

Nawala ako. I changed management twice and hindi ko talaga sure kung ito yung gusto kong gawin.” Ngunit ngayon sa kanyang paggawa ng pelikula, desidido na si James na pag-aartista ang gusto niyang gawin. Ngayon ay nasa ilalim na siya ng management ng Viva Entertainment, na siya ring may hawak kina Sarah Geronimo, Anne Curtis, KC Concepcion at marami pang iba. Aniya, “I decided that I am really serious now and Boss Vic [del Rosario] really helped me.” Ngayon ay kitang-kita na ngang desidido si James sa kanyang muling pagsabak sa showbiz. “Actually I did this movie because I was serious about it. I am so serious.”

Bago pa man magkaroon ng ilang mga teen love teams na sobrang nagte-trend sa social media ngayon, ang love team na JaeVon ni James at ng kapwa PBB Teen housemate na si Devon Seron ay hindi rin nagpaawat. Kahit saan sila pumunta ay dinudumog sila at pinagkakaguluhan, kaya naman nang matanong si James kung kamusta na sila ng dating ka-love team, “Hindi kami nagkikita actually, busy kaming dalawa.” Hindi rin matatawaran ang sweetness ng dalawa sa isa’t isa nung mga panahon na sila ay laging magkasama kaya naman marami silang mga fans at followers na nagsasabing magkarelasyon na ang dalawa na agad naman itinanggi ni James nang matanong siya tungkol dito. “No, never, just close, close friends.” 
Sa ngayon, katambal niya ang baguhang si Nadine Lustre na sinasabing kahawig ng kapamilya teen star na si Kathryn Bernardo. Ayon kay James, masaya siya ngunit kabado din sa pinakauna niyang pelikulang ito. “It is my first movie so of course I am nervous. There is a lot of pressure because the book itself [got] 15 million reads.” 

Ngayong taon, maliban sa pelikula nilang palabas na sa mga sinehan, isang album din ang aabangan mula kay James. Kaya naman nang matanong kung sino ang artistang kanyang iniidolo at nais maging katulad, “Sam Concepcion. Galing niya saka kaibigan ko siya, one of my idols.”

Sa ngayon hindi ekslusibo sa isang network lamang si James. Ngunit hindi pa rin nakakalimot si James sa kung saan at paano siya nagsimula. Sa katunayan ay may mensahe siyang nais ipaabot sa mga fans niya at fans ng dati niyang mga love teams, “To all the fans, Jacia, Jamli, Jaevon, Care Bears who were a part of me from the start, thank you very much for sticking around and, hang in there.”