Aktres, nakunan na, nilait pa

Sino ang aktres na ito na megang ni-lait ng kanyang hilaw na biyenan?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

4/3/2014 1:59 PM
Aktres, nakunan na, nilait pa


040314-ogie_main.jpgSuper sad pala these days ang isang aktres. Pa'no kasi, naudlot na nga ang pagiging ina niya dahil nakunan siya, eh "nalait" pa siya. 

Paanong nalait?

Eh, kasi naman, nung makarating sa biyenan nitong hilaw na nakunan si Aktres, nagalit pa raw ito sa anak na lalake. 

"Isa lang ang ibig sabihin ng miscarriage na yan.  You are not meant for each other, kaya hiwalayan mo na yan," sabi daw ni Biyenan.

What hurt the actress the most ay yung makarating dito ang talak ng biyenang hilaw na, "Paanong makakabuo yan eh ilang beses na bang nabalitang nagbuntis yan?"

Iyak daw nang iyak ang Aktres. Namatayan na nga raw siya, nakuha pa siyang pagsalitaan ng ganon ni Biyenang Hilaw.

If this is true, nakaaawa naman talaga ang Aktres. Ito ba ang minanang memories ng kanyang kahapon?