Pretty Young Star friend-zoned ng kanyang ka-love team?

"Inlababo" (as in in love) daw talaga ang isang pretty youngstar (PYS) sa kanyang ka-loveteam na tsinitong young actor (TYA).

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

4/29/2014 11:49 AM
Pretty Young Star friend-zoned ng kanyang ka-love team?


043014-ogie.jpg
"Inlababo" (as in in love) daw talaga ang isang pretty youngstar (PYS) sa kanyang ka-loveteam na tsinitong young actor (TYA). 

Aware naman si PYS na meron nang girlfriend si TYA, pero umaasa pa rin itong hindi magtatagal ang relasyon ni TYA sa girlfriend nitong taga-showbiz din, pero according to our source, "Mama O, hindi talaga siya type nu'ng lalake kahit pa hiwalayan pa nito ang girlfriend.  Hanggang loveteam lang at showbiz sweetness lang ang kaya niyang ibigay kay PYS."

Ah, okey.  Wala namang kinalaman sa pagpaparetoke ng ilong ni PYS ang dahilan kumba't hindi nito type si PYA?

"Ay, hindi naman.  Bagay naman sa kanya ang ilong niya ngayon, eh.  Kita mo naman, hindi natsismis na nagparetoke siya, di ba?"

Sayang.  Mukha pa namang bagay sila. Lalo na't pareho ang initials ng pangalan nila.  Parang brand ng tsokolate.  Hahahaha!

Di bale, mga anak, mga bata pa naman kayo.  Hindi ko na ie-explain.  Luv you!