• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador says even Gerald Anderson admits her 'Legal Wife' role is 'nakakainis'

Maja Salvador says even Gerald Anderson admits her 'Legal Wife' role is 'nakakainis'

Maja reveals why she had no hesitation when she said yes to the role of Nicole.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/29/2014 11:30 PM
Maja Salvador says even Gerald Anderson admits her 'Legal Wife' role is 'nakakainis'


042914-maja_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, tinaguriang ngayon si Maja Salvador dahil sa role niyang si Nicole sa hit drama sa telebisyon na The Legal Wife. Sinabi ni Maja na hindi siya natakot tanggapin  ang role sapagka't alam niya kung ano ang kaya niyang gawin bilang aktres at alam niya na may kapupulutang aral dito ang mga manonood. Alam niya rin na magiging masama ang tingin sa kanya ng publiko bago pa man niya tanggapin ang role.
 
Sa eksena kung saan sinugod ni Monica (na ginaganapan ni Angel Locsin) si Nicole, ikinuwento ni Maja na maghapon niyang iniwasan si Angel para kapag nagkita sila ay ang eksena ngunit hindi raw napigilan ni Angel na lapitan siya at tanungin kung saan siya sasabunutan.
 
Napanood din diumano ng kanyang nobyong si Gerald Anderson ang episode kung saan nabuking na ni Monica ang relasyon sa pagitan ni Adrian at Nicole. Ayon kay Gerald “nakakainis” ang role ni Maja bilang Nicole.
 
Natanong din sa kanya ng host na si Kris Aquino kung totoong maayos na sila ni Kim Chiu. Isang buong ang sagot ni Maja. Sinabi niya na siya ang lumapit kay Kim. Dagdag pa ni Maja, nag-isip muna siya bago niya lapitan si Kim, pero diumano parang isang magandang sign na nagkita pa sila sa gym ni Kim kung saan lagi sila noon pumupunta at nagba-bond.
 
Nag-promote rin si Maja ng kanyang first solo album na Believe

WATCH RELATED VIDEO ON ABS-CBN.COM