• Home
  • Fresh Scoops
  • UPDATED: Slater Young at Rachelle Ann Go, kumpirmadong hiwalay na!

UPDATED: Slater Young at Rachelle Ann Go, kumpirmadong hiwalay na!

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

4/25/2014 12:13 PM
UPDATED: Slater Young at Rachelle Ann Go, kumpirmadong hiwalay na!


042514-darla_main.jpg

UPDATE : I stand corrected. Sa article na ito ay si Slater lang ang nakausap ko, and nawala sa isip ko na never nga pala silang umamin na silang dalawa ay officially mag-on na. So para itama ang balita, instead na naghiwalay, naudlot lang po pala ang naunang napabalitang magandang pagtitinginan nila. 



FIRST ARTICLE: Another sad break up. 

December last year, una at exclusive na umamin about their romantic relationship sina Slater Young at Rachelle Ann Go sa akin, through my blog www.darlasauler.com

Marami nang nangyari noong mga sumunod na buwan, highlight na nga rito ang pagkakapasok ni Rachelle Ann sa Miss Saigon. Pagputok pa lang ng magandang balitang ito, marami na ang agad napaisip, naku paano sila ni Slater magkakalayo agad sila. 

March lumipad na patungong Europe si Shin (Rachelle Ann). At ilang linggo after nito, marami nang nagtatanong sa akin sa Instagram at sa Twitter kung naghiwalay na ba ang dalawa, isa sa signs na sinabi nila, ay ang pag-unfollow ng dalawa sa isa’t isa – a common thing ata na ginagawa ngayon ng mga naghihiwalay, showbiz or non-showbiz. 

I asked both of them about the rumor. I never got a reply from Shin – which I so understand, dahil sobrang busy siya ngayon living on her own abroad at sa puspusan nilang pag-eensayo. But Slater, as sweet as always, replied to me agad and never attempted to lie.

YES. It is true. Hiwalay na silang dalawa. “Is it okay if we keep the reason to ourselves na lang? Si God na lang bahala in the future,” pakiusap lang ng poging PBB ex-housemate. 

Nakakapanghinayang,yes. Pero sa pagkaka-alam ko, in good terms naman sila. Walang bad blood sa naging desisyon nila to break up. Gaya na lang siguro ng previous scoop ko about KC Concepcion and Paulo Avelino, somehere down the road… magku-krus ulit ang paths nila, and who knows? Baka in the end sila rin ang magkatuluyan. Just being positive here, you know. Para magka-lovelife na rin ako. Hahaha.