Dalawang hosts, nagliligawan pa nga ba o sila na?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

4/24/2014 7:30 PM
Dalawang hosts, nagliligawan pa nga ba o sila na?


042414-blind_main.jpgNatatawa ako du'n sa statement ng friend naming TV host na, "Nililigawan ko pa lang siya. Hindi pa kami." Pero nu'ng nasa Tokyo, Japan ako nu'ng nagbakasyon kami ng aking mag-iina ay may isang kababayang nagsabing nandu'n din si TV host at ang nililigawan nitong co-host.

Sabi ko nga, "Huh? Kala ko ba, nililigawan pa lang? Ah, baka naman itinutuloy ang panliligaw sa Tokyo?"

Hahahaha! Ewan ko ba. Ba't ba ayaw pang aminin eh wala naman silang sinasagasaang ibang tao para itago pa ang kanilang relasyon, lalo na't obvious na obvious namang sila na. Eh, pa'no ‘pag naligawan pa 'yan ng iba? Baka ikagalit pa ng TV host, di ba?

So ba't ayaw pang aminin ng TV host-singer ang real score?

Hindi kaya confused pa rin siya kung aaminin niyang sila na?