Sabi ko nga, "Huh? Kala ko ba, nililigawan pa lang? Ah, baka naman
itinutuloy ang panliligaw sa Tokyo?"
Hahahaha! Ewan ko ba. Ba't ba ayaw pang aminin eh wala naman silang
sinasagasaang ibang tao para itago pa ang kanilang relasyon, lalo na't obvious
na obvious namang sila na. Eh, pa'no ‘pag naligawan pa 'yan ng iba? Baka
ikagalit pa ng TV host, di ba?
So ba't ayaw pang aminin ng TV host-singer ang real score?
Hindi kaya confused pa rin siya kung aaminin niyang sila na?