What is the reason behind Kris Aquino’s short do?

A friend close to Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista reveals why Bistek could be the reason behind Kris Aquino’s pixie cut.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/24/2014 7:55 AM
What is the reason behind Kris Aquino’s short do?


042414-kris_main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, ang bagong gupit diumano ni Kris Aquino ay patungkol sa pagkaudlot ng romance sa pagitan ni Kris at ni Mayor Herbert “Bistek” Bautista. Ang tambalan nila ay binansagang “KrisTek.” Sa Instagram account ni Kris, sinabi din niya na hindi sila “couple” ni Bistek, ngunit mananatili silang magkaibigan habang buhay.

Ayon sa isang malapit na kakilala ng alkalde, si Herbert na mismo ang nagdesisyon bago mag-holy week na ‘wag nang ituloy ang panliligaw kay Kris. Ito ay dahil diumano naapektuhan ang mga anak niyang sina Athena at Harvey sa issue ng “Kristek.” Ani pa diumano ng Herbert, wala kay Kris ang problema kundi sa kanya.

Ayon sa ulat, 2003 pa nang maghiwalay si Bistek at ang kanyang partner na si Tates Gana ngunit sila ay nanatiling magkaibigan. Mayroon din diumanong dalawang anak si Bistek sa una niyang partner.

Loveless si Bistek sa pagsapit ng kanyang 46th birthday sa May 12 at itutuon na lamang daw niya ang kanyang atensyon sa apat na anak.