• Home
  • Fresh Scoops
  • Melissa Ricks denies that her weight gain is due to depression

Melissa Ricks denies that her weight gain is due to depression

Melissa Ricks denies she gained weight because of her separation from ex-boyfriend Paul Jake Castillo.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/24/2014 7:58 AM
Melissa Ricks denies that her weight gain is due to depression


042314-melissa_main.jpgSa isang event kung saan nandun si Melissa Ricks, kinamusta siya ng ibang press tungkol sa kanyang kalagayan ngayon. “Ngayon kakatapos lang ng Honesto so right now vacation, relaxing. Back to Mission Impossible ako, nagpapapayat, nagpapaganda for the next project.”

Kahit na sensitibo ang paksa ng itsura at pangangatawan lalo na sa showbiz, bukas namang pinag-usapan ng aktres ang kanyang problema pagdating sa pagdagdag ng kanyang timbang. “For the longest time talaga problem ko ang weight, I don’t know why. Hindi naman ako malakas kumain so right now more exercise, healthy eating and more sleep, naghahanap ng mga paraan so yun.”

Nag-post din ng ilang litrato si Melissa sa kanyang Instagram account ng mga detox juice bottles kaya naman nang matanong kung isa din ba itong paraan na kanyang ginagawa para magpapayat, inamin ng aktres na hindi ito epektibo sa kanya. “No, I tried juicing nag-bloat lang ako. So now I am just going to fix my diet on gulay, more meat. No more junk food, no more sweets, more water because I don’t drink water.”

Ibinhagi din ni Melissa ang ilan sa kanyang ginagawa para makabawas sa kanyang timbang. “Ngayon naka-all meat diet ako so every two hours kumakain lang ako ng meat so yun. Ano siya 100g of meat every 2 hours so konti lang. Pwede siyang chicken meat, basta mga karne.” Sa ngayon ay nais ng aktres na makabawas ng 25 lbs mula sa kanyang kasalukuyang timbang. “Ako gusto ko 25 lbs pero if I lose 25 lbs for my height and age, underweight na daw ako for my height.”

Walong buwan na ang nakakaraan nang maghiwalay sila ng karelasyon at dating Pinoy Big Brother housemate na si Paul Jake Castillo, kaya naman natanong din kung ang pagdagdag sa kanyang timbang ay sanhi ng depresyon sa kanilang naging hiwalayan. “I don’t think so. Lahi kasi talaga namin malaki, so I think ngayon pa lang pumapasok and kailangan talaga mag-gym ako, magdiet. If I eat regularly lumalaki talaga ako so kailangan diet lang talaga lagi.”

Ibinhagi din ng aktres na malaking parte sa kanyang pagpapapayat ay ang muling pagbalik niya sa gym. “Right now I went back to my gym trainer kasi I stopped for three months. Everyday kami nagte-taping ng Honesto [nun] so I didn’t get to work out, I didn’t get to do anything. Laging taping, merienda, snacks taping ganun, walang tulog so I am going back to the gym every other day and I am fixing my diet pero I just started… so patience for me. With hard work naman comes results so I believe.”