Kris Aquino denies she is pregnant

A dizzy spell during a Kris TV taping brought speculations that Kris might be pregnant.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/22/2014 11:40 PM
Kris Aquino denies she is pregnant


042214-kris_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, ikinuwento ng host na si Kris Aquino ang pagdala sa kanya sa Makati Medical Center ng hapon ng April 22. Nagte-tape diumano ang Kris TV sa Intramuros nang bigla na lamang umikot ang paligid at makaramdam ng sobrang pagkahilo si Kris. Ayon sa doctor, na-dehydrate ang host at nagkulang sa electrolytes. 

Nakatatlong 500ml ng tubig naman diumano si Kris habang nagte-tape ngunit hindi pa rin nito nalabanan ang pagbaba ng kanyang electrolytes level. Pinapasabi rin diumano ng kanyang doctor sa publiko na iwasan ang paglabas simula 1pm-4pm dahil ito ang pinakamainit na oras ngayong tag-init. Kasabay nito nalaman din ni Kris na mababa ang kanyang RBC at hemoglobin count.
 
Naloka rin  diumano si Kris dahil nagkaroon ng lakas ng loob ang doctor na tumingin sa kanya na magtanong kung buntis si Kris. Nilinaw naman ni Kris na hindi siya buntis at wala siyang ginagawa para mabuntis.
 
Nang dahil sa pangyayaring ito, mag-aadjust diumano ang Kris TV staff para ang tapings ay gawing sa umaga na.

WATCH VIDEO ON ABS-CBN.COM