Zsa Zsa Padilla finds new love

The Divine Diva reveals she is inspired.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

4/20/2014 8:31 PM
Zsa  Zsa Padilla finds new love


042114-zsazsafinal_main.jpgMatapos ang dalawang taon ng pagluluksa sa pagpanaw ng Comedy King na si Dolphy ay binuksan na nga ba ni Zsa Zsa Padilla muli ang kanyang puso?  

Napatotohanan ang mga espekulasyon nang makitang may kasama ang singer-actress nanood ng Alive, ang 25th year anniversary concert ni Gary Valenciano sa Araneta Coliseum last April 12. Spotted na magkahawak pa si Zsa Zsa at ang kanyang kasama ng kamay habang naglalakad sa hallway ng nasabing venue. 

Ang sinasabing bagong pag-ibig ng Divine Diva ay si Conrad Onglao, isang architect. Si Conrad ay hiwalay sa asawa at may dalawang anak na lalaki. 

Maiksi ngunit malaman ang sinabi ni Zsa Zsa sa Buzz ng Bayan nang tanungin siya tungkol dito. “I am very inspired. That’s all I can say.” 

Pinost ni Zsa Zsa sa kanyang Instagram account ang larawan nila ni Conrad na nakatalikod at magkahawak kamay na may caption na lyrics ng kantang “You” ng The Carpenters.