• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam Concepcion admits he was shocked when Anne Curtis confronted him

Sam Concepcion admits he was shocked when Anne Curtis confronted him

The singer-actor says he understands now where the Showtime host was coming from.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

4/20/2014 8:15 PM
Sam Concepcion admits he was shocked when Anne Curtis confronted him


042114-Sam_main.jpgMuling iginiit ni Sam Concepcion sa kanyang live interview sa Buzz ng Bayan na ayos na ang lahat sa pagitan nila ng It’s Showtime host na si Anne Curtis. Ito ay matapos ang usap-usapang nagkaroon sila ng kumprontasyon ni Anne sa birthday celebration ni Vice Ganda.  “We are good. We are ok. Ok naman ang lahat. What happened, what transpired, nangyari sa amin, sorry, in the past, we all move on,” sabi ni Sam.

Pero sa pagsisiyasat pa ng Buzz ng Bayan host na si Boy Abunda, umamin si Sam na naganap nga ang sinasabing kumprontasyon nila ni Anne. “Yes there was a confrontation that happened. She did go up to me and talked to me. And di ko naman po sasabihin na di nangyari yun. It’s all for her sister, all for the good of everybody. Naiintindihan ko yun siyempre dahil kung ako may nakababatang kapatid, siyempre gusto mo itest yung manliligaw.” 

Sinabi din ng Mirabella star na na-shock siya nung nangyari ito.  “Siyempre I was in shock. Nagulat po ako sa pangyayari. Wala pong nageexpect na mangyayari yun. Masyado po mabilis yung nangyari. I was just able to absorb it afterwards.” 

Kwento pa ni Sam, niyaya na daw siya pauwi ng mga kasama niyang kaibigan sa party matapos mangyari iyon. “I was kind of shocked, lumabas na lang din ako,” sabi ng aktor.  

Dahil dito inamin din ni Sam na magkasintahan na nga sila ng kapatid ni Anne na si Jasmine. Ayon pa kay Sam ay nag-usap na din sila ni Jasmine at ayaw na nilang lumaki pa ang gulo at magsali pa ng ibang tao sa usapan tulad ng co-star ni Sam sa Mirabella na si Julia Barretto.