• Home
  • Fresh Scoops
  • Jason on taking care of his family with Melai: ‘Feeling ko nagbabahay-bahayan kami'

Jason on taking care of his family with Melai: ‘Feeling ko nagbabahay-bahayan kami'

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

4/20/2014 11:46 PM
Jason on taking care of his family with Melai: ‘Feeling ko nagbabahay-bahayan kami'


042114-Melason_main.jpgIsang Buzz ng Bayan Premium Exclusive ang ginawa nilang pagbisita sa bahay ni Jason Francisco at Melai Cantiveros sa General Santos City upang masilayan ng personal ang kanilang anak na si Amelia Lucille. 

Hindi man nagpakita sa camera si Melai dahil nagrerecover pa ito sa panganganak, ikinwento naman ni Jason ang naganap nung pinanganak si Amelia. “Narinig ko nung umiyak. Siyempre, nakikinig ako kaya alam ko ayan na. Di pa siya agad umiyak mga 2 seconds pa dun siya umiyak. Pinasok ko na tapos ayun nakita ko si baby, siyempre natuwa ako.”

Natakot man si Jason hawakan agad ang kanyang first-born, sobrang tuwa daw ang kanyang naramdaman nang lumabas ito. “Sobrang laki agad ng mata niya. Di ko maexplain yung feeling kaya ano parang speechless ka talaga pero makikita yun sa expression ng mukha mo na kakaiba yung pakiramdam. Parang ang saya. Kasi di ka makapaniwala na parang siyempre anak mo yun, yung feeling mo paano nangyari yun, lumaki doon tapos lumabas. Parang National Geographic, amazing!” masayang pagkwento pa ng komedyante. 

Si Jason daw ang nakaisip ng pangalan ng kanilang anak na Amelia dahil parang mabait at maganda ito sa pandinig. Natagalan sila pagiisip ng second name nito kaya inabot ng dalawang araw bago nila inannounce ang pangalan ng kanilang baby. 

Hands-on ang mag-asawa sa pag-aalaga ng anak. Pati si Jason ay inaral talaga ang tamang pagbuhat kay Amelia pati na ang pagpapaligo at pagpapalit ng diaper nito. Masaya din si Mommy Virginia ni Melai dahil matiyaga daw talaga si Jason pati na sa pagkausap sa kanyang apo. 

“Feeling ko nagbabahay-bahayan kami pero totoo. Hindi ako makapaniwala na may baby na kami,” natatawang sabi pa ni Jason sa kanilang bagong role as parents. Desidido si Jason sa pagbabalik trabaho soon para sa future ni Baby Amelia. 

Dito daw sa Manila bibinyagan si Amelia at ang ilan sa napiling ninong at ninang nina Melai at Jason ay sina Kris Aquino, Eddie Garcia, Tom Rodriguez at Angelica Panganiban. 

Watch Jason’s complete interview HERE