Alak, ginawang tubig ni Young Actor sa set!

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

4/21/2014 12:27 AM
Alak, ginawang tubig ni Young Actor sa set!


042114-ogie_beer.jpg
Ay, nakakalokah! Ang akala ko naman ay behaved na sa pag-inom ang mahusay na young actor matapos siyang pumayag na ma-rehab.

Pero ganun pa rin siya up to now. Heto nga't just recently ay ipinak-up ng direktor ang shooting ng isang indie film na kasali sa isang prestigious independent film competition, dahil kung itutuloy pa nila ang shoot ay baka magkarambulan na sa set.

Yung bottle ng isang energy drink ay pinalitan ni aktor ng alak at ‘yun ang ginagawang water sa set. Maya-maya ay ang kulit-kulit na nito at nangpo-provoke na ng ibang kasamang artista.

Very touchy na ito sa mga babaing ka-eksena at ang nakakalokah, kahit ang 10 year old boy na ka-eksena ay kunwaring sasaktan niya sa scene, pero tinototoo na niya, kaya bago pa lumala ay ipinak-ap na ni Direk.

Since first day pa lang ito ng aktor ay baka palitan ito agad.

Juice ko, sayang ang batang ito. Ang husay pa namang umarte bilang kontrabida.

Pero balewala ang galing kung me hard habit to break naman siya.