• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador on negative reactions to her singing: ‘Expected ko na yan’

Maja Salvador on negative reactions to her singing: ‘Expected ko na yan’

Maja Salvador just wants a chance to showcase a different side of herself through her album.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/19/2014 9:27 AM
Maja Salvador on negative reactions to her singing: ‘Expected ko na yan’


041914-maja_main.jpgNgayon na pinasok na rin ni Maja Salvador ang mundo ng recording, aminado naman ang aktres na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na meron na siyang sariling album. “Di ba ang title ng album ay Believe? Ngayon parang meron pa rin na, ‘Nandito na ba talaga ako?’ ‘May album na ba talaga ako?’ Pero yun, believe it or not talaga heto na meron na talaga akong album. Sobrang masaya lang ako dahil yung pagtanggap nila dun sa single ko na ‘Dahan-Dahan’ sobrang ganda po ng feedback.”

Kwinento ni Maja na pangarap niya talagang maging total performer na hindi lang kumakanta o sumasayaw o umaarte. “Pangarap ko po yun, maging total performer din. Kasi idol ko sina JLo, Beyonce tapos kapag napapanood ko yung concert nila, grabe sila magperform kaya ako every time na sumasayaw ako sa ASAP ang sarap ng pakiramdam na nagperperform ka para sa tao, what more kapag nagsising and dance ka na? Parang ang sarap sa pakiramdam na napapaindak mo yung tao, napapasayaw mo sila, nakikisabay sa kanta mo.

Sa paglabas ng bagong album ni Maja, may ilan ang bumatikos sa kanyang  bagong career bilang singer. “Sobrang ano, tanggap ko na yan saka expected ko na yan kasi nakikita nila ako sa ASAP sayaw ng sayaw and then kanina nasa ASAP ako biglang magugulat, ‘Bakit?’ Nagtatanong pero sana bigyan niyo ako ng chance kasi as an artist po ‘di ba ikaw mismo mageexplore ka at magta-try ka ng ibang talent na pwede? Isa akong example na naniniwalang believe and it will happen ‘di ba? Para sa akin sa buhay kung paniniwalaan mo yung pangarap mo na yun at hindi mo bibitawan, mangyayari at mangyayari yun.”

At sa kabila ng iba’t ibang reaksiyon ng mga tao kung may balak pa siyang sundan ang album niyang Believe, “I hope so sana po, sana, sana.”