• Home
  • Fresh Scoops
  • Enrique Gil and Enchong Dee talk about love and their love lives

Enrique Gil and Enchong Dee talk about love and their love lives

Enrique Gil and Enchong Dee share their insights about their love lives and relationships especially in show business.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/19/2014 8:55 AM
Enrique Gil and Enchong Dee talk about love and their love lives


041914-EnchongEnq_main.jpgDalawa sa pinakamaiinit na kapamilya stars ngayon si Enrique Gil at Enchong Dee. Parehong abala sa kani-kanilang mga karera, kaliwa’t kanang mga out-of-town at out-of-the-country shows and concerts, mga guestings, teleseryes, commercials, endorsements at marami pang iba. Kaya naman sa dami ng kanilang pinagkakaabalahan, paano nila nabibigyan ng oras ang kanilang mga sarili lalo na pagdating sa kanilang buhay pag-ibig? “Actually nag-stop muna kami ng taping ngayon [ng Mirabella], wala pa rin eh. Wala, ewan ko, wala. When the time comes. Kapag dumating, alam kong darating din yun, darating yun malamang,” paglalahad ni Enrique.

Si Enchong naman ay aminadong may oras ngayon na pagtuunan ang kanyang sarili kaya naman nang tanungin kung kamusta ang aspetong ito ng kanyang buhay, “Ayun lang, masaya lang.”

Ibinahagi din ni Enrique ang kanyang saloobin tungkol sa hakahaka ng mga tao pagdating sa kanilang buhay pag-ibig. “Ang iniisip kasi ng mga tao sobrang weird kapag tayo wala tayong nililigawan o may girlfriend. Minsan kailangan ba talaga? Kailangan ba talaga minsan? Minsan depende yan sa sitwasyon ng buhay mo kung kailangan mo o hindi pero sa sitwasyon ng buhay namin ngayon hind pa eh, kaya siguro wala pa ako. Pero kapag hinahanap na ng puso ayun magkakaroon na.”

Natanong din ang dalawa kung papipiliin ay nanaisin ba nilang showbiz din ang makarelasyon o non-showbiz. Para kay Enchong, “Para sa akin, non, para ma-try naman para maiba naman.” Dagdag naman ni Enrique, “Hindi ko talaga masasabi eh. Siguro ano kahit celebrity siya, it doesn’t matter naman sa akin. Yung privacy ng girl okay lang, basta masaya kayo kahit na anong work niya okay lang.”

Ayon pa kay Quen, normal at nasanay na din siyang i-link sa ibang showbiz personalities na wala ding napapabalitang may karelasyon o nanliligaw dahil, “Ayun na nga kung walang nakikitang girlfriend, kung sinu-sino ang ililink sa iyo kasi wala kang GF or they are going to pair you up with somebody na possible ganyan ‘di ba so ganun talaga wala kang magagawa eh.”