• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Director Cathy Garcia-Molina on KathNiel: ‘They are the hottest young stars now’

EXCLUSIVE: Director Cathy Garcia-Molina on KathNiel: ‘They are the hottest young stars now’

Director Cathy Garcia Molina has nothing but praises for Daniel Padilla and Kathryn Bernardo and is excited to work once again with them in the movie, ‘She’s Dating The Gangster.’

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/17/2014 11:45 PM
EXCLUSIVE: Director Cathy Garcia-Molina on KathNiel: ‘They are the hottest young stars now’


041814-cathy_main.jpgBalik-tambalan sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo matapos ang kanilang hit teleserye na Got To Believe sa pelikulang She’s Dating The Gangster na idi-direct ng blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina.

Sa ekslusibong panayam ng PUSH kay Direk Cathy, ikwinento nito ang saya sa muling pagbabalik ng samahan nila. “Exciting kasi magpapahirapan na naman kami. I am always excited to do a project with the same casting kasi dun mo nakikita yung range nila, yung exciting na, ‘Paano nanaman kaya aarte itong dalwang ito na iba?’ So part of my excitement also is seeing them transform. Sa malay mo makita na talaga natin sila na mga aktor na tinatawag, so yun exciting.”

Marami na ngang mga fans ang excited sa muling pagbabalik ng tambalang KathNiel sa pelikula matapos ang kanilang Metro Manila Film Fest Entry na Pagpag. Sikat man ang kwentong ng She’s Dating The Gangster online, marami pa rin ang naghihintay sa pagsasabuhay sa mga karakter na gagampanan nilang dalawa. Sinisiguro ni Direk Cathy na may kakaibang makikita sa dalawa sa pelikulang ito.


Ako I’d rather that you expect na sinsasabi niyong leveling up sa kwento, the kind of story that would be told. Kasi yung Got To Believe naka-focus yun sa first love, mga hurdles, mga pinagdadaan. Ito, it’s more than that kasi natuto ako sa kanya. Again, it’s about first love and yet what we are going to tell is more than just it. It’s about how a first love turned into a great love. So hindi lang siya kwento ng first love and so nae-excite ako na paano ang dalawang ito gagawa ng kwento na hindi lang about first love. I have never seen them, kahit naman sa Princess And I, yung Must be Love tapos yung Got To Believe parang nakapasok yan sa edad nila. Pero ito excited ako dahil ganun pa rin pero there is more. Hopefully, may two characters, yung actors as themselves will learn along with the characters sa pelikulang ito about love.”

May pressure ba, lalo pa na tinagurian si Direk Cathy na blockbuster director, na mahigitan o makaabot man lang sa 400 million peso mark? “More than  pressure, I am excited to know kung kakayanin naming. It’s more like an inspiration, inspiring na itong dalawang ito na magkakaroon ng tsansa na sana nga. Who wouldn’t want it for them kasi ang bait ng dalawang bata and they are so sikat and sana ma-translate into gross, ‘di ba? Nakakatuwa and they deserve it, they are the hottest young stars now.”

Aminado din si Direk Cathy na malaking tulong na nadagdagan na ang edad ng dalawa lalo pa at kaka-debut pa lamang ni Kathryn. “Oo mama na sila ni Daniel. Nung nagkita nga kami nung nakaraang nag-outing. Uy, may katawan na itong batang ito. Nakakita ako ng picture niya ng Princess and Ii But really si Kathryn din, nakita niyo ba young picture sa debut niya? Oh my God, ang ganda-gandang bata and these are two beautiful people and I am excited to see them onscreen… excited ako kung paano sila maiiba, hindi lang physically, hindi lang sa pag-arte kung hindi bilang sila. I want them to mature as the characters will mature. I want them to learn about love and mga babies ko, mga bunso.