Iya Villania talks about married life with Drew Arellano

Iya Villania talks about adjusting to married life with Drew Arellano.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/16/2014 10:00 PM
Iya Villania talks about married life with Drew Arellano


041714-iya_main.jpgJanuary 31 ng taong ito nang ikasal sa Nasugbu, Batangas sina Drew Arellano at Iya Villania. Nine years munang naging magkasintahan ang dalawa bago nagdesisyun na magpakasal. Sa ekslusibong panayam ng PUSH kay Iya, kwinento nito ang bagong buhay bilang Mrs. Drew Arellano. “Sobrang saya. I didn’t think that we could fall in love even more but we did, sobrang saya.”

Sa tagal ng pinagsamahan nila bilang magkasintahan, marami pa rin ang nagtataka na kung sa kanilang buhay bilang mag-asawa ay may bago pa silang nakikita at nalalaman sa isa’t isa. “Uhmm, just little things like. Of course because he doesn’t have a maid, he does not have a driver so when he is actually leaving the house kung ano yung kalat na naiiwan niya, naiiwan niya lang talaga and there is no one to be there to fix it up but now that I am there sino pa nga ba?”

Ngunit kwento ni Iya, maliit na bagay lamang ito sa lahat ng masasaya at magagandang nangyayari sa buhay niya ngayon bilang maybahay. “These are all the adjustments that I am very happy to make. Other than that, I don’t know if there is anything more to discover. I’m sure there are still more things that need to be discovered. You know it has been nine years that is why I couldn’t have it any other way because it’s really the time that we have sent together has really prepared us to be where we are now.”

Kwento din ni Iya, hindi pa sila nakakapag-honeymoon na mag-asawa at hindi pa rin nila parehong napagdedesiyunan kung saan sila pupunta. “Hindi pa. June. We plan, well actually we still not sure yet. We are still thinking maybe a cruise, may San Francisco, may kung saan-saan pa, masaya.”

At sa tanong na kung balak na ba nilang magka-baby, ang mabilis at diretsong naging sagot ni Iya, “After two years pa. After two or three years pa. Wala pa talaga.”

Simula nang ikasal sila, tila sunod-sunod na ang mga nakatakda ding ikasal. Nandiyan ang katatapos lamang na surprise proposal ng basketbolistang si JC Intal sa TV host na si Bianca Gonzalez, at nariyan din ang engagement ni Cesca Litton sa karelasyong si Tyke Kalaw. Kaya naman marami ang nagsasabi na tila sila ang nagpasimula ng lahat ng nais magpakasal at nag-iisip na ikasal. At nang hingan ng PUSH si Iya tungkol dito, “Kami ba? I think it is by coincidence lang talaga. It was very coincidental but I mean kung totoo man, why not? Spread the love, that’s what the world needs. Cute lang kung totoo man. Ang saya, ang saya lang because you can never have too much love.”