• Home
  • Fresh Scoops
  • Gary Valenciano opens up on his passion and willingness to help other artists

Gary Valenciano opens up on his passion and willingness to help other artists

In his 30th year in show business, Gary Valenciano now wants to help other artists and give them the chance to perform and be known.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/16/2014 10:23 AM
Gary Valenciano opens up on his passion and willingness to help other artists


041614-gary_main.jpgSa katatapos lamang na two-night concert sa Araneta Colisuem ng 30th anniversary celebration ni Gary Valenciano na Arise Version 3.0, nais ni Gary magpasalamat sa lahat ng naging parte ng concert at sa lahat ng sumuporta at nanood. “Thank you, thank you to everybody who supported me for this concert, thank you, thank you so much. Wala eh, higit pa sa dream come true ito. Hindi ko akalain na ito yung magiging energy, yung level of energy ko pati yung response ng tao. Sa una tahimik, nakikinig lahat tapos maya-mayang konti sumabog na rin sila. Wala, wala na akong maaring hingin pa, sobra-sobra ito, higit pa.”

Tunay na pinatunayan ni Gary V. na sa kanyang edad ay walang kupas pa rin ang kanyang pagiging Mr. Pure Energy, at dito ibinahagi niya ang kanyang kagustuhan na makatulong din sa ibang mga singers at performers tulad niya na makilala at mabigyan ng pagkakataon. “Alam mo hindi ko kasi alam kung ano ang magiging course ng career ko after 30 years. Hindi naman pwedeng puro pare-pareho lang ang ibibigay ko sa tao so talagang bukas na bukas na yung pintuan ng puso ko, at ng isip ko sa mga maaring iba pang dumating para sa career ko, para sa career ng ibang tao. Kung makatulong man ako sa career ng ibang tao kagaya ng ginawa ko ngayon para kay Sam [Concepcion], AKA Jam, yung mga ganun. Natulungan din ako nina Sarah [Geronimo] and Rico Blanco, ang sarap ng feeling na ganito.” Bahagi sina Sarah Geronimo, Rico Blanco, Sam Concepcion at AKA Jam sa concert na ito ni Gary V. 


Maging ang kanyang pamilya ay buo ang naging suporta sa kanyang concert na lahat ng kanyang mga anak ay may naging partisipasyon dito. Si Paolo Valenciano ang nag-direk ng concert, at ang kanyang dalawang anak na si Gab at Keana ay nakasama niyang magperform, “My daughter, Gabriel and of course Paolo the way he co-directed. Si Gabriel lumipad from the States just to be here, Keana nasa gitna din ng finals pero grabe, grabe talaga yung support. Kahit na hindi matupad ang mga ibang pangarap pero dahil sa nangyari… I am very, very thankful, dahil sa inyo, allowing artists, like ako, lahat ng mga artista naman, yung support na binibigay… I am very thankful talaga.” 

Natanong din si Gary kung handa pa ba siya sa another 30 years ng kanyang karera. “Bakit hindi ? Like you guys… in 25 years naka iba na ang ginagawa niyo pero may connection pa rin sa pagiging isang media person and I believe that is how its going to be for me also.”

At sa sikreto ni Mr. Pure Energy kung bakit sa paglipas ng panahon walang nagbabago at patuloy pa rin ang galing niya na tila hindi siya tumatanda. “Kung sa mata ng tao ako din mabibigla ako eh, hindi ko din alam yung sikreto. Hindi naman ako nagpapractice araw-araw pero alam na ng tao na yung my faith, pananampalataya. Mabait lang talaga si Lord, kahit na ganito lang kaliit ang aking faith, siya na ang bahala na magfill-up sa iba, sa health ko, sa family ko, sa iba’t ibang issues ng health ko, sa ibang issues ng family ko, ibang issues ng life ko. Mabait lang talaga siya.”