• Home
  • Fresh Scoops
  • Billy Crawford admits ‘exclusively dating’ status with Coleen Garcia

Billy Crawford admits ‘exclusively dating’ status with Coleen Garcia

Billy Crawford says he doesn’t listen to critics as long as he and Coleen Garcia are both happy.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/16/2014 10:41 AM
Billy Crawford admits ‘exclusively dating’ status with Coleen Garcia


041614-billy_main.jpgSa muling pagpirma ni Billy Crawford sa kanyang music label na Universal Records, ibinahagi ng singer at host ng It’s Showtime ang proseso sa paggawa ng kanyang pinakabagong album. Sinabi nitong halos lahat ng kanta na kabilang sa dito ay siniulat niya. “Most of them. Yung mga OPM lang, yung mga Tagalog lang ang hindi ko nasulat pero halos lahat actually. So out of 13, mga 12 or 11.”

Aniya ang mga kantang kabilang dito ay mga kantang sa ngayon ay mas gusto na niya. “This time around it’s a lot more of the music that I like. There is a mixture of R&B, there is a mixture of pop, there is a mixture of EDM, pretty much kung ano ang mga up to date.” Kwento pa ni Billy, hindi lang dito sa bansa lalabas ang kanyang album, maging sa France, at yun nga ang naging dahilan ng pagpunta niya doon noong isang taon.

Kahit na ngayon na lang ulit siya magre-release ng album na ang huli’y taong 2009 pa, hindi naman natigil si Billy sa pag-produce at paggawa ng kanta. “Actually wala din naman akong tigil. It’s not really resting kasi I am also trying to be a producer and songwriter for other artists as well. So kung hindi ko ginagawa ang album ko or I have a little bit of time, I collaborate with other artists as well tapos sulat kami ng kanta and I think our next project is with Christian Bautista.”


Nagbigay din ng opinion si Billy sa tila sinasabing sunod-sunod na mga kontrobersiya na kinasasangkutan ng kanyang mga co-hosts sa Showtime. Aniya, “Well nung una na sunod-sunod kami na nagkakaroon ng problema, sinong susunod? Who’s next? Pero sa akin lang I don’t really believe in luck or bad luck and I think accidents happen and it’s not our season nagiingat lang kami no matter what happens pero it’s life eh buhay naman ito. Yung nangyari kay Anne (Curtis) it’s an accident tapos yung kay Vice (Ganda) and Karylle it’s a personal experience yung sa kanila, yung sa akin personal din, yung kay Vhong (Navarro). Medyo sunod-sunod nga kung sa tingin mo pero siyempre magkakasma kami sa show so mahalalata mo na parang may ano ang demonyo sa amin. Pero ang maganda kasi sa amin we take it positively din we grow stronger as a family at nandito kami para sa isa’t-isa. So with all the trials na pinagdaanan naming lahat dun parang there is always a good side to it.”

Kung dati ay hindi masyadong bukas at napag-uusapan ang tungkol sa kanila ni Coleen Garcia, ngayon ay mas bukas at mas naipapakita na ni Billy at Coleen ang kanilang mga “lambingan” sa programa. Kaya naman nang  kamustahin ang kanyang panliligaw sa dalaga, “Everyone should just be happy you know, everyone should just show their feelings regardless of what it is.”

Sinagot din ni Billy ang ilang isyung lumalabas na dahil madalas silang makitang magkasama hindi lang sa programa kungdi maging sa labas, maraming nagsasabi na sila na diumano at pagkukunwari na lamang ang sinasabing panliligaw. “Gusto ko yung mas alam nila kesa sa amin. Alam mo we are exclusively dating, I mean we are not seeing any other people or whatnot pero yung sabihin natin, it’s just a label eh, just to be honest with you. Sabihin natin, ‘Uy sila na’ or whatever, anong kaligayahan ng tao kung sabihin na girlfriend, boyfriend sila? It’s just what we feel with each other, we are just taking our time, I enjoy her company, we enjoy each other’s company. We go out, we have friends and nakakatawa yung mga comments nakikita namin, lagi silang magkasama, e malamang nililigawan ko. It makes no sense kung hindi so you know, bahala na yung mga tao kasi judgemental minsan yung mga tao na hindi natin mako-control. So long as I know where I stand and I am happy and hopefully I make her happy.”