• Home
  • Fresh Scoops
  • Young aktres pumatol sa iba kahit may boyfriend nang dahil sa pera?

Young aktres pumatol sa iba kahit may boyfriend nang dahil sa pera?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

4/15/2014 3:30 PM
Young aktres pumatol sa iba kahit may boyfriend nang dahil sa pera?


041514-ogie.jpgIba talaga ang ugali ng isang tao pag may espiritu ng alak sa katawan. Kadalasan, dumadaldal.
Tulad na lang ng isang close aide ng isang lalaking kilala ng lahat (o si LKL). Dapat dito sa close aide na to'y sinisibak dahil sa isang umpukan ay naisiwalat nito na si LKL daw, inimbita ang isang kilalang young actress sa tinitirhan nito just recently.

At ‘yun daw ay hindi lang basta date sa mala-mansyon na tinitirhan ni LKL kundi me nangyari raw "something."
At ang usapan daw ay isang milyong piso kada gabi, kaya kuwento pa ni close aide, "Two nights din yon kaya P2M ding tumataginting ang nakuha niya!"

Wow naman. Sana itong kwentong ito ay produkto lang ng kalasingan at walang katotohanan.
Dahil kung ako ang tatanungin ay wala sa imahe ng young actress na ito ang pumatol sa lalaking tatlong dekada halos ang tanda sa kanya. At alam ko, nagmamahalan sila ng boypren niyang aktor din, kaya personally, nalalabuan ako dito.

Pero sana nga, hindi totoo. Pero kung totoo man ito eh sino ba naman tayo para husgahan siya?
Maibibigay ba natin ang isang milyon sa kanya? Lalo na kung nangangailangan talaga siya nang mga panahong ito?

At hindi na ako masa-shock kung isang araw ay iisiplitan na niya ang boypreng aktor at nagkaigihan na pala sila ni LKL. Mas gusto ko nang ganon ang mangyari.
After all, dalaga naman si young actress.