Justice Secretary Leila De Lima warns Cornejo, Lee, et al

Justice Secretary Leila De Lima issues a warning against Cornejo, Lee et al, while DOJ requests for hold departure order on the group.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/15/2014 8:00 AM
Justice Secretary Leila De Lima warns Cornejo, Lee, et al


041514-Leila_main.jpgSa ulat ni Ina Reformina para sa TV Patrol, pinaaresto na para sa kasong Grave Coercion sina: Cedric Lee, Deniece Cornejo, Bernice Lee, Simeon Raz, Jose Paolo Calma, Ferdinand Guerrero at Jed Fernandez. Ang bail ng bawat isa para sa kasong ito ay P12,000, kumpara sa isa pa nilang kaso na Serious Illegal Detention na isang non-bailable offense.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na ngayong umuusad na ang dalawang kaso, hindi na pwedeng magbiyahe ang mga akusado ng walang pormal na paalam sa korte. “Any attempt to leave [the country] will be construed as an attempt to obstruct justice.” Dagdag pa ni Justice Secretary De Lima, maari silang arestuhin kapag sila ay lumabag dito.

“Bad timing” din diumano ang pagpumilit na umalis ng mga akusado. Umaga ng April 14, papunta ng Hong Kong si Ferdinand Guerrero ngunit hinarang siya ng Immigration Officers ng NAIA. Nagkaroon pa diumano ng komprontasyon ngunit nanindigan ang mga opisyales ng NAIA kahit na ang ibinigay na pangalan ni Ferdinand Guerrero ay “Fernando Guerrero.”

Noong Sabado, April 12, ay may booking din si Cedric Lee papuntang Dubai ngunit pinakansela ito. Ayon pa kay De Lima, “kung in good faith sila dapat ay nagsasabi.

Humiling na rin ang Department of Justice na maglabas ng hold departure order ang dalawang korte na may hawak ng mga kaso. Sa April 15, didinggin ng Regional Trial Court ang mosyon ng mga akusado na timbangin muli ang mga ebidensiya para sa kaso nilang Serious Illegal Detention.

Umaasa rin ang DOJ na mailabas na ang arrest warrant para sa Serious Illegal Detention case. Kung mangyayari ito, mananatili sa kulungan ang mga akusado habang dinidinig ang kaso.