• Home
  • Fresh Scoops
  • James Yap on Kris Aquino’s emotional apology: ‘Na-touch din ako dahil hindi ko naman inaasahan’

James Yap on Kris Aquino’s emotional apology: ‘Na-touch din ako dahil hindi ko naman inaasahan’

James Yap says his ex-wife’s statement and emotional apology was very unexpected.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/15/2014 7:30 PM
James Yap on Kris Aquino’s emotional apology: ‘Na-touch din ako dahil hindi ko naman inaasahan’


041514-james_main.jpgMatapos ang emosonal na panayam nina Kris Aquino at James Yap sa Kris TV kung saan humingi ang dating mag-asawa ng tawad sa isa’t isa, nagbigay din ng saloobin si James Yap sa parehong programa sa unti-unti pagiging maayos nila ni Kris. “Sobrang saya kasi ito talaga yung pinagpe-pray ko na sana maging okay na kasi sobrang hirap, ang hirap ng pinagdaanan ko grabe. E kasi siyempre ‘di ba, nasa court kami sa Makati Trial Court, nandun kami alam mo yun so at least answered prayer naman na tapos na ang lahat and then focus na lang talaga kung paano papalakihin ng tama yung anak namin. E nakikita ko naman si Kris ngayon okay naman sa pagpapalaki sa anak namin so kumbaga sisikapin ko din na bilang tatay na mapalaki ng tama yung anak naming,” sabi ni James. 

Naghayag din ng damdamin ang basketbolista sa hindi napigilang pag-iyak ni Kris sa kanilang naging panayam sa Kris TV. “Na-touch din ako dahil hindi ko naman inaasahan, pinagpe-pray ko lang na maging okay kami ni Kris na, kumbaga yun nga eh nagsorry siya sa akin, nahiya naman ako pero naappreciate ko naman yun at sorry din sa kanya, hindi man kami naging successful bilang partners sana maging successful kami bilang nanay at tatay,” paliwanag pa nito.

Ibinahagi din ni James ang detalye sa kung paano naplano ang katatapos lamang na 7th birthday celebration ng kanilang anak na si Bimby at ang partisipasyon niya sa nasabing okasyon.

Una nang sinabi ni Kris sa kanyang programa na naghayag ng intensyon si James na maging parte ng okasyon para sa kaarawan ng anak, “Actually ano may plano din sana ako for his birthday and then napag-isip-isip ko bakit hindi ko itext si Kris na kumbaga i-join na lang, na ipagsabay na lang. So naisip ko itext ko siya kung anong plano niya sa birthday ni Bimby, then thank God nagreply naman siya. So yun na ganun ko na inopen up sa kanya kung pwede ba share na lang tayo para mas maganda para sa anak natin. Siyempre 7th birthday niya, so para paglaki niya makikita niya yung mama at papa niya kahit wala na nandun pa rin para sa kanya na sumusuporta pa rin at nandito pa rin para mapasaya yung anak namin. So yun yung iniisip ko and then yun na nga thank God, nandito na so yun.” 

Maging si Kris ay naghayag ng pasasalamat na sa kabila ng kanilang pinagdaanan ay hindi niya isinuko ang anak at ang kagustuhan niya na makasama pa ito. Kaya naman hindi nagdalawang-isip ang basketbolista na lapitan din si Kris na maging bahagi sa importanteng araw na ito para sa kanilang anak. “Ganun naman talaga ko eh, basta para sa anak ko gawin ko ang lahat para mapasaya ang anak ko and then hindi naman natin maitatago din na ang dami nang pinagdaanan ni Kris so hindi rin ako sumuko so kasi mahal na mahal ko yung anak ko. And then at least naging okay na kami ni Kris, thank God na okay na kami, ito na. Kanina sa interview namin kumbaga sisikapin namin na maging team kami ni Kris para sa pagpapalaki namin sa anak namin and I am sure nag-agree naman siya dun sa iniisip niya na team tayo pa pagpapalaki ng anak natin,” dagdag pa ni James.

Kinwento din ni James inimbita ni Kris ang kanyang girlfriend na si Michela Cazzola sa birthday party ni Bimby pero mismong siya na ang kumausap sa karelasyon na huwag na lang pumunta. “Inexplain ko sa kanya. Thank you kay Kris din na ininvite niya yung girlfriend ko pero inexplain ko sa kanya na huwag muna dahil siyempre bakagusto ko full-time ako sa anak ko. Kasi kapag nagvi-visit naman si Bimby sa akin full-time din ako so kailangan ito dahil moment niya ito ayaw ko naman sirain. Alam mo yun, baka makasira lang, hindi naman ibig sabihin na masira pero iwas na lang. At least nagawa ko yung gusto kong gawin hindi akopangit kasi hindi mo alam kung sino ang pupuntahan mo, maano ka pa, so I hope maintindihan niya yun, sana maintindihan ni Michela.” 

At sa mensahe ni James kay Bimby, ipinarating nito kung gaano niya kamahal ang anak.  “Bimby, I just want you to know that I will always be here for you, I love you so much and Papa loves you so much talaga so I hope paglaki mo makita mo ito na ginagawa namin ito lahat ng Mama mo para mapasaya ka. I love you Bimb and yun, thank you. Happy birthday sa iyo and I hope nag-enjoy ka sa birthday mo. Bongga yung birthday mo, Papa mo hindi nakaexperience ng ganito before pero at least na-experience mo, anak ko diba? So yun and happy birthday ulit sa iyo Bimby and I love you so much.”