• Home
  • Fresh Scoops
  • “PBB” hosts at ex-housemates, present sa huling “PBB” auditions sa Araneta Coliseum

“PBB” hosts at ex-housemates, present sa huling “PBB” auditions sa Araneta Coliseum

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

4/14/2014 7:10 PM
“PBB” hosts at ex-housemates, present sa huling “PBB” auditions sa Araneta Coliseum


041414-darla.jpgTutungo ang “Pinoy Big Brother” hosts kasama ang ilang ex-housemates sa Araneta Coliseum ngayong Martes (Abril 15) para suportahan ang aspiring housemates sa gaganaping auditions ng phenomenal reality show.
 
Mag-iikot ang ex-housemates mula sa regular at teen editions ng Season 1 hanggang 4 upang magbigay ng payo, makipag-bonding, at pagaanin ang loob ng libu-libong inaasahang dadagsang auditionees sa venue.
 
Ang event ang magsisilbing huling auditions para sa inaabangang bagong season na "PBB All In," na pangungunahan ng hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, John Prats, at Robi Domingo.
 
Bukas ang auditions sa mga may edad 15 hanggang 30 taong gulang. Ang unang 10,000 aplikante lamang na pipila ang bibigyan ng pagkakataong makasabak sa audition process na magsisimula sa ganap na 7 AM. Siguraduhin ding magdala ng birth certificate o valid ID na may nakasaad na birth date.
 
Magsisimula ang registration at pilahan sa Open Parking Lot B (sa harap ng Padi's Point malapit sa Red Gate ng Araneta Coliseum). Ang lahat ng nakapilang aspiring housemates ay bibigyan ng ticket ng Araneta Center at sticker naman ng “PBB.” Ang mga may issued tickets at suot na stickers lang ang papapasukin sa venue, alinsunod sa one ticket at one sticker per applicant policy.
 
May no re-entry policy rin ang venue kung kaya’t hinihimok ng “PBB” na kapag nakapasok na sa loob ng coliseum ang mga aplikante ay huwag na silang lumabas dahil hindi na sila muling papapasukin sa loob.
 
Mariin ding ipinagbabawal ng pamunuan ng venue ang pagdadala ng sariling pagkain at tubig sa loob.
 
Abangan ang muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya sa “Pinoy Big Brother All In," malapit na sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @PBBabscbn sa Twitter o i-like ang facebook.com/OfficialPinoyBigBrotherAbsCbn.