Tom Taus admits real score between him and Andi Eigenmann

The former child star says he and Andi have known each other since they were children.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/14/2014 12:00 AM
Tom Taus admits real score between him and Andi Eigenmann


041314-tom_taus.jpgMatapos bumalik sa Pilipinas ni Tom Taus, sa halos 14 years na pagkawala sa show business, ngayon ay nakikita na siya at nagpeperform bilang DJ sa iba’t ibang mga clubs at concerts. 

Naging parte din siya sa 30th anniversary concert ni Gary Valenciano kung saan naipakita niya ang kanyang galing sa pagdi-DJ. “Alam mo until now I still can’t believe that I performed on stage kasi dati pa idol ko na si Gary V, not just talent-wise but as a person, as a whole you know. Kasi he praises God, he is a good family man. I can’t say enough about Gary, so it’s an honor for me to be even part of this show.” 

Sa ngayon aminado si dating award-winning child actor na wala pa siyang konkretong plano kung magbabalik-showbiz nga ba siya. “Right now I am going with the flow dapat kasi bakasyon lang pero I am getting a lot of love from the Philippines right now by performing in places so, I am going with the flow, perform a little bit then go back to LA.”
 
Ngunit sinabi nitong may ilang alok na siyang natatanggap upang bumalik sa pag-arte. “Meron pero ang focus ko music right now so, yun talaga ang passion ko eh so yung pagiging DJ, yung pagplay sa harapan ng crowd. I mean when a really good offer comes along I might do it but I have to really like the role or something like that,” sabi pa niya.  

Sa pakikipagkwentuhan ng PUSH kay Tom, napag-alam nitong single ngayon ang DJ. “Wala, wala akong girlfriend. Actually newly single ako ngayon, hindi naman kakabreak lang pero kasi long relationship siya. Magtu-two years so for me newly single ako kasi matagal yung relationship na yun eh,” pagsisiwalat pa nito.  

Sa Instagram account ni Andi Eigenmann, marami ang naiintriga dahil sa mga posts nito. Maliban sa mga tila makahulugan na quotes na kanyang pino-post, ilang litrato na rin nila nina Tom at Andi na magkasama ang pinost ng aktres sa kanyang Instagram account. Diumano’y may mga balita nang lumalabas na si Tom na ang bagong dine-date ng aktres. Kaya naman nang matanong namin si Tom ang tungkol dito, “Actually childhood friend kami ni Andi kasi si Tita Jaclyn dinadala niya sa set si Andi nun nung Cedie. Mommy ko si Tita Jaclyn doon so talagang childhood friends kami, masaya. Minsan naghahang-out kami.” 

At nang tanungin namin ang estado nilang dalawa, ang sagot ni Tom ay, “Friends.” Sa panahon na nagkakasama sila ng aktres, inilarawan niya si Andi na, “She is nice, she is a lot of fun and very nice girl.” 

Lumalabas sa ibang mga balita na hiwalay na daw diumano si Andi at si Jake Ejercito, kahit na hindi pa man umaamin ang dalawa. At tinanong ng PUSH si Tom kung pamilyar ba siya kay Jake. “I heard a little bit of news but I am not really… I haven’t met him here.” Sinabi din nitong kapag magkasama sila ni Andi hindi nila napag-uusapan si Jake at kung anuman ang estado ng dalawa. 

At kung may plano ba siyang ligawan ang aktres, ang sabi lamang ni Tom ay, “Honestly right now I am on vacation, I meet up with a lot of friends and she is one of those friends so that’s pretty much it.” 

photo from Andi Eigemann's Instagram