• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino drops hints about Kim Chiu and Xian Lim’s relationship status

Kris Aquino drops hints about Kim Chiu and Xian Lim’s relationship status

Kris Aquino gives a revealing statement regarding Kim Chiu and Xian Lim’s relationship.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/12/2014 6:58 PM
Kris Aquino drops hints about Kim Chiu and Xian Lim’s relationship status


041214-kimxi_updates.jpg

Kamakailan napabalita ang pagbabati ng dating magkaibigang Maja Salvador at Kim Chiu, at pati na rin ng dating mag-nobyo na sina Kim at Gerald Anderson.

Sinabi ni Kim na napapanahon na rin naman na magka-ayos sila at malaking relief diumano ito sa kanya lalo pa’t nalalapit na ang kanyang kaarawan. Dagdag pa ng Ikaw Lamang actress, “Life goes on and we have to be thankful sa lahat ng dumadaan sa buhay natin.” 

Napabalita rin na magkasabay lumipad si Xian Lim at Kim papunta sa Amerika. Sinundo pa diumano ni Xian si Kim papuntang airport. Sinabi ng Aquino and Abunda Tonight host na si Boy Abunda na isa itong kontradiksyon sa sinasabi ng mga tao na nagpapanggap at sweet lamang ang dalawa kapag mayroon silang proyekto. Ani Boy, wala naman proyekto ngayon ang dalawa pero magkasundo at magkasama pa rin.

Tinanong ni Boy si Kris Aquino sa totoong status ng dalawa at ito ang naging pahayag ni Kris. “Because I love her, I will not answer that because she trusts me. So by saying that alam niyo na kung ano ang sagot.”