• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam Concepcion: ‘The important part is that we are okay, kami ni Anne and ni Jasmine’

Sam Concepcion: ‘The important part is that we are okay, kami ni Anne and ni Jasmine’

The singer-actor confirms confrontation between him and Anne Curtis but says everything is good now between him and Jasmine Curtis-Smith’s family.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/11/2014 11:45 AM
Sam Concepcion: ‘The important part is that we are okay, kami ni Anne and ni Jasmine’


041114-sam_main.jpgSa presscon ng bagong restaurant na ineendorse ni Sam Concepcion, nagsalita na ang binata tungkol sa usaping kinasasangkutan niya at kapatid ng kanyang girlfriend na si Jasmine Curtis-Smith na si Anne Curtis. 

Ang napapabalitang pamamahiya ni Anne kay Sam ay nangyari daw sa birthday party ni Vice Ganda noong March 31, kung saan nilapitan siya ng aktres  at sinabihan na, “Why are you here? Who invited you? You are not classy enough to be here!” Sinabihan din siya diumano ng aktres na, “Ba’t mo niloloko ang kapatid ko?” 

At nang tanungin si Sam kung talaga bang may nangyaring insidente, hindi man nagdetalye inamin niyang may nangyaring kumprontasyon sa kanila ni Anne Curtis. Aniya, “Siyempre it was a surprise. Wala naman po sa amin ang nageexpect, surprised, but she has her reasons and whatever are her reasons family po yun ni Jasmine, maiintindihan ko po and I really respect that, I respect them, I respect Anne.” 

Sa post ni Anne Curtis sa kanyang Instagram account nang lumabas ang insidente, itinanggi nito na may nangyaring insidente sa pagitan nila ni Sam Concepcion at itinanggi na sinabi niya ang mga salitang naisulat sa mga balita kay Sam. 

Tinanong ng PUSH si Sam na pagtanggi ni Anne sa may nangyaring insidente at ang sagot niya ay, “I think she says also that we did talk that night so I think alam naman po naming dalawa and napag-usapan naman namin. We talked about it and I think there is nothing else to talk about but okay, okay kami.” Ibinahagi din ng aktor ang kanyang naramdaman ng mangyari ng insidente. “Ako po kasi I am very understanding of people. Wala din kasi akong space to feel that way kasi I am really doing it for Jas so siyempre I would go through whatever for her.” 
Nilinaw din niyang kailanman ay naging tapat siya kay Jasmine taliwas sa sinasabi sa mga balitang tinanong siya ni Anne kung bakit niya niloloko ang kanyang kapatid na babae, “Oh yes. She is very very special to me and I really take care of her and I won’t do anything to hurt her.” Sinabi din ni Sam na wala namang naging tampuhan o anuman na nangyari sa pagitan nila ni Jasmine bago mangyari ang pagkumpronta sa kanya ni Anne, “Yun nga e, we are okay and we have always been okay.” 
 
Ngunit ayon kay Sam, maayos na ang lahat sa pagitan nila ngayon ni Anne, ni Jasmine at ng pamilya nito, “We did see each other and we did talk and of course like I said earlier I understand where she is coming from, I understand what she’s saying, I understand katulad ng ganun, if I had a little sister siyempre I will look out for my sister. Siyempre all of that are valid reasons. The important part is that we are okay, kami ni Anne and ni Jasmine.” 

Lumalabas din ang pangalan ni Julia Barretto na nasasangkot din sa kontrobersiya at sinasabing third party sa pagitan nina Jasmine at Sam na agad din namang pinabulaanan ni Sam, “Of course, there is no truth to that. Yun nga po eh, sana po hindi na po lumaking ibang issue at may iba-iba na pong story na lumabas kasi it involves po my relationship with them and ayaw ko lang po na ma-taint din yun.” 

Aminado si Sam na matapos ang insidente, siya ang unang nakipag-usap sa kampo nina Anne at Jasmine para maayos ang lahat, “Siyempre as the guy, ako yung, I am the one courting Jas, ako yung nanliligaw siyempre so whatever the situation, its always the guy who makes an effort. Siyempre like I said gagawin ko naman ang lahat for Jasmine.” 

At ngayong naayos na ang lahat sa pagitan ng dalawang kampo, may nais lang iparating si Sam sa mga taong sa kanilang paligid at sa kanilang mga tagahanga, “I hope that hindi na natin palakihin ng palakihin, all is well with all of us. Wala naman nang problema na and I hope we don’t wish bad, no one deserves to be attacked. I know fans susuportahan nila yung sa kanila. I hope hindi natin iaadapt and not attack other fans kasi ganun din e we are just cultivating, hindi maganda.” 

WATCH VIDEO ON ABS-CBN.COM