Kris Aquino and James Yap apologize to each other

An emotional Kris Aquino apologizes to James Yap for the hurt she had caused him. James Yap also asks for forgiveness and is grateful for everything now in their lives.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/12/2014 1:00 AM
Kris Aquino and James Yap apologize to each other


041214-jameskris_main.jpgSa 7th birthday celebration na ginanap sa Bellevue Hotel noong April 8, muling nagkaharap si Kris Aquino at ang dating asawa nitong si James Yap. Sa eksklusibong panayam ng Kris TV sa dalawa, inamin ni Kris na hindi na rin niyang naisip na magkakaayos pa sila ni James. “No, if you ask me, if this could have been happened last year, no way! Marami lang talagang nangyari sa buhay na dadalhin ka kung saan ka dapat.” Si James man aminado na laging ipnagdarasal na maayos ang lahat sa pagitan nila ng dating asawa. “Heto ‘yung pinagpe-pray ko, sana magkaayos na lahat. So sana tuloy-tuloy na nga na ganito.” 

Ngayon ay desidido si Kris na magtuloy-tuloy na ang magandang samahan nila ngayon ng dating asawa, “I think very clear ‘yun na sinabi ko nga, as husband and wife, we may have failed, pero we have naman the rest of Bimb’s life, I did not say forever, we have the rest of Bimb’s life.” Dagdag pa niya, “Kasi, parang natanggap ko na, not all relationships will really last, pero kung may bunga sa relationship na ‘yun, responsibilidad niyong dalawa na ayusin ang sarili niyo para ‘yung bata hindi mag-suffer.” 

Sa naging pag-amin ni Kris sa relasyon nila ngayon ni Mayor Herbert Bautista, maraming mga lumalabas na espekulasyon at usap-usapan na dahil may bago siyang karelasyon kaya mas naging madali sa kanya ang naging pag-aayos nila ni James, na nilinaw na din ni Kris sa panayam sa kanyang programa, “Kasi before I even entertained the thought of loving somebody else, I had to be able to forgive…” Nagsimula na rin maging emosyonal ang Queen of All Media sa paglalahad ng lahat ng pinagdaanan nila ni James Yap, “Naiiyak ako dun, kasi totoo naman ‘yun, kasi pinaintindi sa akin ‘yun ng panahon na hindi dapat talaga puro galit ang nasa puso ko, kasi pareho naman kaming nagkamali, lahat ng mga pagkakamali ko doon, bitbit ko ngayon kasi ‘yun na ang lessons ng buhay ko, and alam ko naman, pinahirapan ko rin talaga ang buhay ni James Yap, in the same way na sinaktan niya ang puso ko, at aray di ba? Pero ano na, all in the past, kasi we can really be friends, ‘yun sincere ako doon na sana sikapin mong kaibiganin ako, kasi ‘yun ang makakabuti para kay Bimb.”
Sa Instagram account ni Kris Aquino, nag-post ang Queen of All Media ng picture kung saan buhat-buhat ni James ang noo’y maliit pa na si Josh, at dito mas naging emosyonal si Kris. “Aamin ako ah, I also kept a few pictures… tiningnan ko… ang liit pa ni Josh noong una kang pumaso ksa buhay namin. I shouldn’t be crying, sorry don’t misinterpret this please, siguro ang haba lang nang pinagdaanan, pero you stepped up for Josh, hindi naging madali pero naging mabuti ka for someone na hindi mo naman kadugo and never mo siyang tinrato na iba sa’yo pati ang family mo, they were always good to my son, and those are the things na nare-realize ko ngayon na it takes a lot.. . gusto ko lang paabot na, kasi for so long puro galit na, nakalimutan ko kung ano dapat ‘yung pagpapasalamat ko, and looking back parang nine years of our lives naman ito, from the time we met to… it’s been nine years… kung tutuusin, nine years old si Josh noong nakilala mo siya, and… sobrang na-appreciate ko na you also opened up your heart for Bimb, I think also my family appreciative sila doon, ‘yun ang pinopoint out ko kay Bimb, ‘he was able to love your kuya, Bimb, maybe because he loved Kuya and we love kuya, you should also love him’ sabi ko, kasi ‘he was not Kuya’s papa but he was good to kuya.” 

Umiiyak na Kris din ang nagpapasalamat kay James sa hindi nito pagsuko sa lahat ng kanilang pinagdaanan. “Yung ginagawa mo ngayon, ina-appreciate ko talaga kasi sa pinagdaanan natin talaga, it could have been easy to walk away, pero I appreciate na ‘yung dating kinukuwestyon ko na lalaki ba talaga si James Yap, nasagot para sa akin ‘yun, kasi I can really say na you’re a good man and ang dami kong life lessons na natutunan dito, and I think talaga na, pinakamagandang nagawa ng Diyos sa buhay ko, ay binigyan niya ako ng Bimb.” 

Humingi din ng tawad si Kris sa basketbolista sa lahat ng kanilang pinagdaanan, “I’m very sorry James, sa lahat din ng heartache na binigay ko”, na sinagot din ng basketbolista ng, “Sorry din sa’yo na hindi man ako naging perfect na partner mo, thank you sa’yo dahil natanggap mo pa rin ako ngayon na ok na tayo, thank you! Love, love, love!”