• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado reveals why cheating became possible on The Biggest Loser

Iza Calzado reveals why cheating became possible on The Biggest Loser

Iza Calzado reveals why The Biggest Loser contestants were able to bring “contraband” into the camp

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/11/2014 11:42 AM
Iza Calzado reveals why cheating became possible on The Biggest Loser


041114-iza_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, naging bukas sa nakaraan niya si Iza Calzado na nag-aaway din noon ang kanyang mga magulang at naghiwalay noong bata pa siya, kung kaya naman ipinarating pala niya kailan lang sa host na si Kris Aquino ang paghanga niya sa sa ginawang pagpapakumbaba ni Kris upang maayos sila ng dating asawang si James Yap. Kahanga-hanga din diumano na ibinahagi ni Kris ang mga natutunan niya sa ibang mga magulang. Ang aral lamang dito, ayon kay Iza, ay tandaan ng mga magulang na hindi dapat “directly involved ang mga bata sa away ninyo.”

Kaugnay naman ng kontrobersyal na pandarayang naganap sa The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles, ikinwento ng host ng naturang show na kaya nakapuslit ang mga “contraband” sa camp ay dahil diumano nagkaroon ng mid-season break at pag balik naipasok ang sigarilyo, slimming tea, at ang pera. At dahil may pera, nakakabili sila ng pagkain tuwing tumatakbo sila sa labas ng camp. Dumaan naman daw sa inspeksyon ang mga bag ng contestants ngunit hindi na natingnan ang kasuluk-sulokan ng mga gamit nito. 

Kwento pa niya, nagsimula lang maghinala ang staff ng contest nang may isang contestant na nagpasaring. Naging mahirap diumano ang pangyayari sa lahat. Maraming nakaramdam na nadaya sila at maging ang mga nandaya ay apektado ng ma-realize nila ang “gravity” ng ginawa nila. Nag-break down din diumano si Coach Toni Saret. Ayon kay Iza, malaking dagok ito sa mag-asawang coaches na sina Toni at Jim Saret sapagka’t halos araw-araw nilang nakasama ang mga contestants. Malaking panghihinayang ang naramdaman ng dalawa sa nangyari. 

Sa usapin naman ng cheating, napag-usapan ang character ni Iza sa pelikulang Starting Over Again. Ayon kay Boy Abunda, limang eksena lang ang ginampanan ni Iza sa pelikula ngunit nagmarka ang kanyang karakter na si Patty. Hindi alam ni Iza kung kaya niyang gawin ang ginawa ni Patty ngunit sa dulo, “whatever is fair, kung sa tingin mo pwede mo pang bigyan ng pagkakataon..It becomes a choice.”