Gerald Anderson, inaming muntik na siyang malunod!

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

4/11/2014 12:26 PM
Gerald Anderson, inaming muntik na siyang malunod!


041114-ogie_main.jpgMuntik na palang mamatay si Gerald Anderson, grabe! 

"Second life ko na, actually!" sabi pa niya sa tsikahan namin sa set ng "Dyesebel" nung Wednesday night. 

Shocked nga din sina Dawn Zulueta at Ms. Zsa Zsa Padilla habang nagkukuwento si Fredo. 

"Di ba, nag-shoot kami for Dyesebel sa isang swimming pool sa Subic? Underwater scenes at ako lang ang nasa pool. Paangat na ako sa tubig nang bigla akong mahimatay sa ilalim. For a while talaga, wala akong malay, mga 30 seconds yon. Nagkamalay na lang ako nung parang naduwal ako sa dami ng nainom kong water. Pag-ahon ko, palakpakan sila. Sumigaw ako, 'Grabe! Muntik na akong mamatay!' Noon lang nila nalaman nung ikinwento ko na."

Ayon pa kay Ge, sa sobrang pagod daw sa work, kaya siya hinimatay. 

Isang make-up artist naman ang nagsabing, "Kahit sa Budoy noon, sa sobrang pagod, nahimatay din si Ge!"

Anyway, ingat-ingat na lang next time, Gerald. Pahi-pahinga rin pag me time.