• Home
  • Fresh Scoops
  • Vhong Navarro sees holes in the third allegation of rape against him

Vhong Navarro sees holes in the third allegation of rape against him

Vhong files counter-affidavit in third rape case.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/10/2014 4:04 PM
Vhong Navarro sees holes in the third allegation of rape against him


041014-NAVARRO_main.jpgSa ulat ni Ginger Conejero para sa TV Patrol, kaugnay ng pangatlong kaso ng rape na isinampa kay Vhong Navarro nagsumite si Vhong Navarro ng counter-affidavit na nagsasabing hindi niya ni-rape ang 27 year-old complainant mula sa Antipolo. Nakasaad sa affidavit ni Vhong na walang malinaw na petsa at buwan kung kailan nangyari ang panggagahasa. Mali rin diumano ang paglalarawan ng ari ni Vhong.

Ayon sa abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, isa pa rin itong strategy ng kampo nila Cedric Lee para ipahiya at mawalan ng lakas ng loob si Vhong na ituloy ang mga kaso laban sa kanila. Dinagdag pa ni Atty. Mallonga na isang open lesbian ang complainant, na alam din diumano ni Vhong. Wala naman daw masama sa pagiging lesbian, ngunit bakit (siya) pag-iinteresan ni Vhong kung alam na wala siyang pag-asa.

Hindi nakadalo ang complainant sa Preliminary Hearing kung kaya isinara na ang imbestigasyon at hinihintay na lang ang desisyon ng piskalya kung ihahain sa korte ang kaso o  ibabasura na.