Ayon sa abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, isa pa rin itong strategy ng kampo nila Cedric Lee para ipahiya at mawalan ng lakas ng loob si Vhong na ituloy ang mga kaso laban sa kanila. Dinagdag pa ni Atty. Mallonga na isang open lesbian ang complainant, na alam din diumano ni Vhong. Wala naman daw masama sa pagiging lesbian, ngunit bakit (siya) pag-iinteresan ni Vhong kung alam na wala siyang pag-asa.
Hindi nakadalo ang complainant sa Preliminary Hearing kung kaya isinara na ang imbestigasyon at hinihintay na lang ang desisyon ng piskalya kung ihahain sa korte ang kaso o ibabasura na.