• Home
  • Fresh Scoops
  • Vhong Navarro on moving on: ‘Andun pa rin ang takot, hindi nawawala’

Vhong Navarro on moving on: ‘Andun pa rin ang takot, hindi nawawala’

Vhong Navarro admits he was nervous re-entering showbiz after his mauling incident.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

4/1/2014 9:03 AM
Vhong Navarro on moving on: ‘Andun pa rin ang takot, hindi nawawala’


040114-vhong_main.jpgAfter finally returning to hosting duties last month on It’s Showtime, Vhong Navarro is happy to start promoting his new comedy film Da Possessed which pairs him with new leading lady Solenn Heussaff. “Sobrang excited kasi finally meron akong pelikula itong taon na ito na tiyak na magpapasaya sa ating madlang people and at the same time mananakot din kami. Ang hirap i-explain kasi hindi nga natin alam kung anong magiging reaction ng tao sa pagbabalik ko. Pero so far ang sarap ang pakiramdam kasi grabe yung mga nababasa ko sa mga tweets, sa mga comments sa Instagram at sa mga tao na nakikita ko every time na lumalabas ako. Talagang nagpapasalamat ako sa kanila sa mainit na pagtanggap at pagtiwala at pagdadasal,” he shared during the Da Possessed grand presscon held last March 30 at the Dolphy theater inside ABS-CBN.

One of Vhong's initial fears was being judged negatively by the public upon his return to showbiz. “Oo siyempre kasi hindi natin nga alam kung ano yung pupuwedeng kalabasan lalo na yung unang labas ko sa Showtime, dun ko mababasa eh kung anong reaction ng tao eh. Kasi ito uli yung labas ko na makakaharap ko yung mga tao ng ganung kalapit. Tapos pinaramdam nila sa akin sa shooting ulit, ng staff at ng mga crew sa production at kapwa ko mga artista, pinaramdam nila sa akin yung nawala sa akin at pinaramdam nila sa akin na, ‘uy artista pala ako,’” he said.

The 37-year-old comedian admitted to the press that he is still deeply affected by the mauling incident which happened to him last January and that he and his family are coping day to day. “Andun pa rin ang takot, hindi nawawala. Pero I just try not to think about it. Pag nasa set kami, hindi ko na lang iniisip yun. Pero siyempre meron. Sabihin natin na medyo umo-okay ako kasi nga kailangan ko maging okay. Kasi ito yung gusto eh, gusto ko pag nakikita ako ng tao ayoko na umiiyak ako, ayoko na naaalala ng tao yung itsura ko dati. Mas gusto ko kasi na makita ako ng tao kung sino yung Vhong dati. Kasi ang hangarin ko sa buhay ay magpasaya ng tao, yun na lang yung gusto ko eh,” he explained.

Although his case is currently being processed in court, Vhong said he still has yet to accept the reality of what happened to him. “Kasi itong nangyari sa akin, parang pelikula na eh. Parang hindi ko maisip na puwede pala yun mangyari sa akin. Kumbaga napapanuod ko lang ito pag sa mga pelikula or soap opera. Basta ang pinaka-gusto kong mangyari dito ay matapos, malagpasan at ayoko ng maulit ulit kahit kanino sa atin. Mahirap i-explain kasi di ba sinasabi natin na ang hirap mangyari sa totoong buhay yung mga pinapalabas sa pelikula ‘pag ikaw na yung involved, parang ito yung hangga't maaari iniiwasan natin na mangyari sa atin. Pag nanunuod tayo ayaw nating mangyari yan. Kasi hindi natin alam kung ano ang mangyayari,” he admitted.

With his new movie Da Possessed set to hit theaters starting April 19, Vhong said he hopes his supporters will continue to give him the much-needed boost in morale at this time in his life. “Una sa lahat, dahil kailangan ko ulit magpasalamat sa Star Cinema dahil itinuloy yung pelikula after what happened sa buhay ko at buong buo yung tiwala at suporta nila sa akin. Nung unang balik ko sa telebisyon, ang hirap eh kasi hindi ko alam kung paano ako matatanggap ulit ng tao sa kabila ng mga pagsubok na naganap. Siyempre hindi naman natin ma-pi-please lahat. Pero ako ang sinabi ko yung katotohanan, yung kung ano yung totoo. Iba kasi ang pelikula, ang TV kasi kung may nanunuod libre, ang pelikula babiyahe at gagastos. So ang gusto ko lang mangyari, tinapos namin ang pelikula ng masaya at ang gusto namin ang mga manunuod nito ay maging masaya,” he said.