Tambalang Joyce Bernal at Vhong Navarro, nagbabalik!

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

4/1/2014 3:35 PM
Tambalang Joyce Bernal at Vhong Navarro, nagbabalik!


darla-vhong.jpgMULING magsasama ang certified blockbuster director na si Bb. Joyce Bernal at Vhong Navarro matapos ang pitong taon sa Da Possessed ng Star Cinema – ang pinakamalaking comedy movie para sa buong pamilya ngayong summer.

Ang unang colaborasyon nina Bb. Joyce Bernal at Vhong ay ang smash hit Mr. Suave (2003) at nasundan pa ito ng dalawang matagumpay na pelikula na bumuo sa tinaguriang Vhong Navarro Movie Franchise at ang mga ito ay ang D’ Anothers (2005) at Agent X44 (2007). Dinirek din ni Bernal ang record breaking na Segunda Mano na opisyal na entry ng Star Cinema sa 2011 Metro Manila Film Festival at kamakailan lamang ang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? (2013) na pinagbidahan nina Xian Lim at Kim Chui. Napanalunan din ni Bernal ang coveted Best Director award sa Metro Manila Film Festival nuong nakaraang taon.      

Kilala si Bernal sa kanyang versatile, nakakatawa at nakakaaliw na istilo ng pag-didirek, na siyang labis na kinagigiliwan ng mga Pinoy audiences. Ang kanyang relatable techniques ay masasabing nakakaloka at minsan naman ay out-of-this world na makikita naman sa bonggang commercial achievement ng kanyang mga pelikula kasama si Vhong na siya rin namang sobrang sikat sa mga Pilipino moviegoers dahil sa kanyang kakaiba at down-to-earth na brand ng pagpapatawa. 

Isinulat ni by Athena Aringo-Tengco, Ays De Guzman and Antoinette Jadaone, ang Da Possessed ay joint project ng Star Cinema at Regal Films. Umiikot ang pelikula sa kakaibang istorya ng ordinaryong si Ramon na nagbalak pumasok sa larangan ng landscape art. Ma-iinlab si Ramon sa kanyang seksing boss ngunit magsisimula ang mga problema ng biglang siyang sasapian ng mga espiritu mula sa sa ibang mundo na siyang umpisa ng mga nakakabaliw at nakakalokang mga pangyayari.
 
“Sobrang husay at epektibo ni Vhong sa pagganap sa kanyang patented zero to hero na mga karakter. Para sa akin ito ang dahilan kung bakit napamahal si Vhong sa buong bansa,” paliwanag ni Bernal. “Itinataas ni Vhong ang mga ordinaryong lalaki sa kanyang mga pelikula. Ang Da Possessed ay istorya ng isang ordinaryong lalaki na magkakaroon ng kakaibang adventure at siyempre sana ma-save niya ang araw sa ending ng pelikula.”

Minamarkahan din ng Da Possessed ang kaunaunahang pelikula ng It girl na si Solenn Heussaff sa Star Cinema. “Magaling ang timing ni Solenn bilang isang komedyana at maganda ang rapport niya kay Vhong at sa buong cast,” sabi ni Bernal. “Very refreshing na makita siya sa mga nakakatawang eksena kasama si Vhong. Talagang nakipagsabayan siya sa pelikulang ito na nag-asembol ng pinaka-mahuhusay na komedyante sa bansa.”       

Bahagi ang Da Possessed sa on-going na celebrasyon ng Star Cinemang ika-20th na anibersaryo nito at tampok din dito sina John Lapus, Smokey Manaloto, Empoy, Beverly Salviejo, Lito Pimentel, Joy Viado, Aaliyah Belmoro, Matet De Leon, at Joey Marquez.

Showing na ang Da Possessed sa lahat ng sinehan sa buong bansa simula ngayong Abril 19!

Para sa karagdagang impormasyon at pinakabagong updates tungkol sa "DA POSSESSED" at sa iba pang 20th anniversary movie offerings ng Star Cinema, bisitahin lamang ang www.StarCinema.com.ph, http://facebook.com/StarCinema at http://twitter.com/StarCinema. #mapossessnghappiness #dapossessednghappiness